MANILA, Philippines - Talagang ‘It’s more fun in the Philippines!’ lalo na sa mga negosyanteng kumikita sa pamamagitan ng pagbabalahura sa kalikasan ng bansa. Ano nga ba ang pang-aabusong ito?
Iyan ang iimbestigahan ni Ted Failon ngayong Sabado (Nov 10) sa Failon Ngayon sa kanyang pagbusisi sa mga problemang kinakaharap ng mga islang ipinagmamalaki natin sa buong mundo.
Nito lang Hulyo ay ini-report ng programa ang pag-demolish sa bahagi ng Boracay West Cove na ilegal na naitayo. Ang dapat sana na gigibain ay 70% ng resort, pero hanggang ngayon ay hindi pa natutuloy ang demolisyon. Halos kalahating milyong piso raw ang magagastos ng lokal na pamahalaan ng Boracay sa unang phase pa lang ng demolisyon.
Nangangahulugang taong-bayan na naman ang gagastos para lang malinis ang “kalat” ng isang negosyante.
Pagdako naman sa Isla ng Panglao sa Bohol, tila nagkabuhol-bohol na rin ang mga paglabag sa batas ng ilang resorts doon.
Ang mga rip-rap o sinimentong bahagi kasi ng dalampasigan sa Alona beach ay naglalakihan at halos makubkob na ang tabing-dagat.
Busisiin ang mga crown jewel ng Pilipinas tulad ng Isla ng Boracay, Puerto Galera at Panglao Island sa Bohol sa Failon Ngayon gayong Sabado (Nov 10), 4:45 PM sa ABS-CBN.