Isabel Oli gulat na sabit sa hiwalayang Paolo at Lian

PIK: Ngayong araw ang alis ni Andrew Wolff patungong Kent, England para sa Mr. World na sasalihan nito.

Si Andrew ang magri-represent ng bansa para sa naturang patimpalak. Pero nilinaw niyang hindi ito ang typical na male beauty contest.

 “I hope people realize that it is a sport and mode­ling competition and not the cliché beauty pageant the people are used to,” pahayag ng model/actor.

Malaking bagay ang pagiging miyembro niya ng Philippine Volcanoes kaya siya ang napiling makipag-compete sa Mr. World.

PAK: Sa susunod na taon ay ga-graduate na si Louise delos Reyes sa Lyceum of the Philippines sa kursong foreign service.

Pagka-graduate ay balak niyang magbakasyon sa Amerika bilang gift sa sarili.

Pero gusto niyang isama ang buong pamil-       ya para bonding na rin nilang mag-anak.

Kung hindi sila mabigyan lahat ng US visa, baka sa Singapore o Malaysia na lang sila magliwaliw.

Basta gusto lang niyang i-treat ang sarili at ang buong pamilya sa isang bakasyon sa ibang bansa.

BOOM: Nagulat si Isabel Oli nung unang makarating sa kanya ang isyung hiwalayan nina Paolo Contis at Lian Paz.

Nasa Singapore siya nang pinag-usapan ang isyu at ang daming text at tweet na nakarating sa kanya.

 “Ang daming nagti-tweet at text sa akin ng kung anu-ano. Siyempre hindi ako natutuwa. In every relationship na mangyari ’yun, hindi maganda ’yun,” pahayag ng aktres.

Nagtataka lang siya kung bakit idinadamay pa rin siya. Sobrang tagal nang wala na silang komunikasyon ni Paolo pero ikinakabit pa rin siya sa isyu ng mag-asawa.

Show comments