MANILA, Philippines - Ipinagmalaki ni Anne Curtis kamakailan na maliban sa pag-arte, pagsayaw, at pagkanta, ay may bago na naman daw siyang kaalaman. Ito ay ang bartending at mixology, na na-pick up niya sa pagiging endorser ng GSM Blue. Kung magkakaroon nga lang ng local version ang Hollywood hit movie na Coyote Ugly, na tungkol sa mga seksing bartender, ay pasok na pasok si Anne bilang bida.
Sinabi ni Anne na pinabilib siya ng mga Hotel and Restaurant Management (HRM) students na sumasali sa GSM Blueniversity at Flair Idol kada taon.
“I have been attending the mixology and flairtending event as a guest for so long and I once asked myself ‘bakit hindi?’ So sinubukan ko siya at na-realize ko na enjoy siya. I learned to mix drinks on my own because it is so simple and easy. Flairtending naman is also very interesting and sexy too, especially if you are a woman,” wika ni Anne na lumabas kamakailan sa isang bagong TVC ng GSM Blue.
“Nakita ko mismo yung success ng isa sa mga contestant, na nagta-trabaho na ngayon sa Waterfront Cebu. I was there for my Annebisyosa tour and he came up to me and said, ‘Ma’am Anne, naalala ninyo po ba ako? Isa ako sa mga finalists ng GSM Blueniversity.’ I thought that was amazing,” kuwento ng dalaga.
Ayon kay Anne, malaking tulong ang GSM Blueniversity para madagdagan ang kaalaman ng mga HRM students sa mixology at flairtending. At dahil dito, mas lalakas pa ang tsansa nilang makakuha ng magandang trabaho sa Pilipinas at sa ibang bansa.
“Malaki na ang naitulong ni Anne sa GSM Blue, hindi lamang sa pag-endorse ng brand kundi pati na rin sa mga programa namin gaya ng GSM Blueniversity na tumutulong sa mga kabataan na ma-improve ang skills nila,” wika ni GSM Blue brand manager Lori Infante.
Ang GSM Blue, na bagay na bagay sa mixed drinks ay gawa sa 65 proof sugar cane alcohol na may kasamang juniper berries.
Ang GSM Blueniversity ay nakatakda ring gawin sa Pacita Astrodome (Nov. 20), Olongapo Convention (Nov. 21), Victory Central Mall (Nov. 23), The Avenue Plaza Hotel (Nov. 25), Duad Gymnasium (Dec. 4), Grand Theater, PAGCOR Parañaque (Dec. 6) at Cuneta Astrodome (Dec. 7).