^

PSN Showbiz

Angelica nagtrabaho nang lasing!

ABOUT SHOWBIZ - Pilipino Star Ngayon

Wala si Angelica Panganiban sa presscon ng indie movie niyang Madaling Araw Mahabang Gabi na showing ngayon sa piling mga sinehan. Nasa Japan ito at doon nag-celebrate ng kanyang birthday last Nov. 4. Pinayagan siya ni Direk Dante Garcia na wala sa presscon dahil last year hindi nakapag-celebrate ng birthday ang aktres. Nag-shooting kasi nang nabanggit na pelikula sa Palawan.

Hindi tuloy naitanong kay Angelica kung totoo ang tsikang nilasing siya nang totohanan bago kunan ang mga eksenang senglot siya para natural ang kanyang acting. Sa napanood naming trailer ng movie, para ngang totoong lasing ang girlfriend ni John Lloyd Cruz at magaling na naman sa mga eksena niya.

Kakaiba ang presscon ng movie na launching din ng Trio, Panoramanila Pictures, at Glad TV (nasa ilalim nito ang nagbabalik sa ere na Ipaglaban Mo, mapapanood starting Nov. 10, 2:30 p.m. sa GMA News TV). Nag-inuman ang guests para raw mas ma-feel ang pelikula.

Aabot sa 20 ang cast ng movie na ang theme song na Barcelona ay sinulat ni Angelica at kinanta ni Glaiza de Castro. Sama-sama rin dito ang mga artista ng ABS-CBN, TV5, at GMA 7, walang talent fee, at si Direk Dante lang ang nakakagawa nito.

Nabigyan ng R-16 ratings ang movie at wish ng direktor na panoorin ito at suportahan. Pero kumita man o hindi, tuloy na ang sequel na si Angelica pa ang producer. Ang title ng sequel ay Tanghaling Tapat Hatinggabing Sinungaling. Sa Manila at Vietnam ang shooting. Hindi namin naitanong kay Direk Dante kung the same cast ang kukunin niya sa Madaling Araw Mahabang Gabi.

Nakita namin si Rocco sa nasabing presscon ng Madaling Araw Mahabang Gabi dahil isa siya sa maraming cast ng pelikula. Agad namin itong ti­na­nong kung totoo ang nasagap naming balitang break na sila ni Sheena Halili?

Pinansin din namin na tila nagdededmahan na sila sa Twitter na dati ay hindi man sweet, mararamdamang special naman ang bawat isa sa kanila. Ngayon, parang ’di na sila friends.

Tawa ang reaction ni Rocco. Hindi raw siya kundi kami ang nagsabi noon saka sumagot ng “hindi” na malabo para sa amin. Kasunod ay lumayo na sa amin ang aktor. Hindi namin nabiro kung may kinalaman si Lovi Poe na leading lady niya sa Yesterday’s Bride sa tsikang breakup nila ni Sheena.

Tinanong namin ang isang kasama ni Rocco sa hiwalayan issue, hindi rin kami sinagot. Wala raw namang inaming relasyon ang dalawa kaya wala silang aamining breakup. Naintriga lang kami sa sinabi nitong sa showbiz: Mahirap pagsabayin ang career at love life.

Ama ng controversial TV personality, apat ang pamilya

Kahit ayaw ipaalam, napilitan ang controversial TV personality na aminin sa ilang close na reporter na hindi sila ang original family ng kanyang controversial na ama. Second wife raw ang mother ng TV personality at may third and fourth wife pa ang ama pero dahil siya ang visible, siya ang napagdidiskitahan ng press at ng mga taong nabiktima ng ama.

Dagdag pa ng TV personality, hindi siya umaasa sa pera ng ama. Nagtatrabaho siya at wish nitong makita ito ng mga galit sa kanilang pamilya. Ang maganda sa TV personality, hindi niya binanggit ang anak ng ama sa different women, para hindi na sila madamay at siya na lang ang laitin at awayin sa media.

Jose at Wally nagtagal sa Tondo

Binabasa pa lang namin ang synopsis ng ‘D Kilabots Pogi Brothers…Weh!? na pelikula nina Jose Manalo at Wally Bayola under APT Entertainment sa direction ni Soxie Topacio, natatawa na kami. Tiyak na mas lalo ka­ming matatawa ’pag pinanood ang pelikula sa Nov. 28.

Sa Tondo, Manila kinunan ng 100 percent ang pe­likula. Leading ladies sina Pokwang at Solenn Heussaff. Si Paolo Ballesteros ang magsasabi ng “weh” sa title at kasama rin sina Tirso Cruz III as Donald Trang at Michael de Mesa as Mr. Lucio.

 

ANGELICA PANGANIBAN

D KILABOTS POGI BROTHERS

DIREK DANTE

DIREK DANTE GARCIA

DONALD TRANG

MADALING ARAW MAHABANG GABI

ROCCO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with