Shocked ang mga nakakita sa isang kilalang male TV host. Ang rason, pumangit daw ang hitsura nito ngayon. Feeling nila, nagpaayos ito ng mga mata pero sadly hindi bongga ang naging epekto.
Ang duda ng mga nakakita sa male TV host na nawawala ngayon sa eksena, nagpatanggal ito ng eyebags kaya nagmukha itong parang singkit na malayo raw sa dati nitong hitsura.
Pero sa mukha lang naman daw may naiba sa TV host. Sa katawan naman daw ay ganun pa rin, fit na fit at matikas pa rin ang tindig.
Pero teka bakit nga ba hindi siya masyadong visible sa TV? Asan na ang talk show niya na matagal nang pinag-uusapan?
PINAGPAGURANG PELIKULA HINDI KAAYA-AYA ANG LUMABAS
Hindi kaaya-aya ang napanood kong pelikula kahapon.
Oo naman, maganda ang hangarin nilang makagawa ng kakaibang concept ng pelikula pero malaking failure ang nangyari.
Mahirap intindihin at magulo ang kuwento. Sabog na sabog.
May pramis ang cinematography pero, wala ang kuwento.
Actually, parang pinaraos lang ng mga taong nakaisip sa pelikula ang kanilang trip para magawa ito.
Sana next time, ayusin muna nila ang kuwento at characters para naman hindi masayang ang kanilang mga oras at pera na hindi biro. Sayang din ang mga artistang nag-effort para gawin ito.
ALJUR MAY EMOSYON NA, HINDI BLANGKO
At least hindi lang naman pala ako ang nakapansin na gumaling na sa aktingan si Aljur Abrenica. Aba marami akong nababasa lately sa online na pinupuri na ang acting ng actor.
Siyempre nga naman, malaki ang expectation ng GMA 7 Network sa Coffee Prince dahil pumatok ang original version nito nang ipalabas noong 2008. Sa una at sa mga sumunod na episodes nito, hooked agad sila sa panonood.
Kaya maraming nag-abang nang magkaroon ng remake na bida sina Aljur at Kris Bernal.
Maituturing na malaking project ito ng actor bilang si Arthur Ochoa, ang mayamang-pogi na may-ari ng isang coffee-shop habang si Kris ay si Andy Gomez na struggling breadwinner na nagpanggap na lalaki at napilitang mag-trabaho sa coffee shop na pawang mga lalaki ang kasama. Pero dahil sa twist of fate, kinontrata siya ni Andy bilang gay lover para maiwasan ang babaeng gustong makipag-date (Arthur) sa kanya. At walang alam ang mayamang boss na totoong babae si Andy.
Hanggang ma-in love na si Andy at doon nagsimula ang mga nakakalokang mga pangyayari.
Sa early stages of production, nag-alala si Direk Ricky Davao kung paano tatanggapin ng mga critics at manonood ang remake ng Coffee Prince bilang kinabiliban nga ang original version nito at umani ng mga papuri.
Pero nang simulan na nila ang taping, nakita niya ang lakas ng chemistry ng magka-loveteam na tamang rason na para panoorin ang dinidirek niya.
True enough naman, napansin nga sila at pumapalo sa ratings at ‘yun nga naging isa sa hot topic sa social media at ilang online platforms.
At siyempre ang napansin nga nila ay si Aljur.
May emosyon na raw si Aljur sa mga eksena nila. Hindi na blangko at natural na ang galaw.
“Aljur is a revelation, to tell you honestly,” sabi ni Direk Ricky. “He’s more committed to his craft now more than ever. Also, I noticed that his acting style has matured in a sense that he has learned to delve more into who the character really is.
“As a director, I am inspired to work with people, especially actors, who genuinely surprise you. That’s him, and I hope he continues doing a good job,” dagdag ni Ricky na isa rin siyempreng magaling na actor bago pa man naging abala sa pagdidirek sa GMA 7.