Flames… hindi nakahabol sa MMFF

Si Baby Nebrida ang writer ng kuwento at co-director ng Flames of Love, ang family movie na ipalalabas sa mga sinehan sa Dec. 12.

Ipinagmamalaki ni Baby ang kanyang coming soon movie dahil mahuhusay na artista ang mga bida, sina Christopher de Leon, Rep. Lani Mercado, at Dina Bonnevie. Kasali rin sa Flames of Love sina Valerie Concepcion, Maegan Young, at Allen Dizon.

Award-winning writer si Baby pero nag-lie low siya sa showbiz dahil naging busy siya sa kanyang mga mission bilang Marian devotee.

Si Baby ang sumulat ng kuwento ng Chop-Chop Lady, ang controversial movie ni Lorna Tolentino noong dekada 90. Siya rin ang writer ng Langis at Tubig, Ang Kabiyak, at My Only Love, ang pelikula na parehong memorable kina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta dahil doon nag-umpisa ang kanilang love story.

Wala sina Dina, Lani, at Boyet sa presscon kahapon ng Flames of Love dahil sa kanilang mga previous commitment.

Magkakaroon ng second presscon ang pelikula at tiyak na dadalo rito ang buong cast. Isang family movie ang Flames of Love pero kakaibang family movie dahil tiyak na makaka-relate sa problema ng mga karakter ang Pinoy audience.

Matagal nang tapos ang shooting ng Flames of Love kaya nanghihinayang si Baby dahil hindi niya naisip agad na isali sa 2012 Metro Manila Film Festival ang obra maestra nila ni Gigi Javier-Alfonso, ang co-director ng pelikula.

Mga Pinoy sa London sabik na sabik na sa Eat Bulaga

Advance happy birthday kay Mama Malou Choa-Fagar na nag-celebrate kagabi ng kanyang birthday, kesehodang sa Nov. 12 pa ang actual date ng kaarawan niya.

Maagang nagdiwang ng birthday si Mama Malou dahil magiging busy na siya sa susunod na linggo. Lilipad sa London sa Nov. 15 ang mga host at Dabarkads ng Eat Bulaga para sa show nila sa Filipino community.

Nauna nang pumunta sa London ang writer at director ng Eat Bulaga para sa ocular inspection. Sabik na sabik na ang mga kababayan natin sa London, England na makita ng personal ang cast ng No. 1 noontime show ng ating bansa.

Kapalaran nina Obama at Romney malalaman na

Ngayon natin malalaman ang resulta ng eleksiyon sa Amerika. Mananatili ba sa puwesto si President Barack Obama o si Mitt Romney na ang bagong pangulo ng US?

Maganda ang sistema ng eleksiyon sa Amerika kaya madaling malalaman ang nag-win at kung sino ang Luz Valdez.

Ibang-iba ang sistema sa US kumpara sa sistema ng eleksiyon sa ating bayang magiliw. Sa Amerika, napapanatili na malinis ang mga pader dahil hindi ito dinidikitan ng mga campaign poster.

Hindi kagaya rito sa atin na kahit malayo pa ang halalan ay nagkalat na ang mga campaign billboard ng mga kandidato, artista man o ordinaryong tao!

Masusubaybayan natin sa TV ang halalan sa Amerika dahil sa mga representative na ipinadalo roon ng ating mga local station, hitsurang updated ang CNN, BBC, at ibang mga cable channel sa mga kaganapan sa US.

 

Show comments