^

PSN Showbiz

Aktor matindi ang selos, ginigiyera ang masugid na manliligaw ng ex-GF

TAKE IT TAKE IT! - The Philippine Star

Matindi ang pagseselos ng isang aktor sa mhin na nanliligaw sa kanyang ex-girlfriend.

Inaway ng aktor ang common friend nila ng ex-girlfriend niya dahil ito ang nagkuwento sa kanya tungkol sa masugid na manliligaw.

Matagal nang hiwalay ang aktor at ang girl na nang-iwan sa kanya pero nahihirapan siya na maka-move on. Hindi matanggap ng aktor na tumatanggap na ng mga suitor ang babae na natauhan kaya nakipag-break sa kanya. Nadiskubre kasi ng girl na nakikipagtsugihan sa ibang babae ang aktor na user-friendly ang image.

Marami ang napa-shout for joy nang hiwalayan ang aktor ng kanyang girlfriend dahil malaki ang ipinagbago ng ugali niya mula nang mapasandal siya sa “pader”.

Alfred ayaw munang magtrabaho!

Full time housewife si Yasmine, ang misis ni Quezon City Councilor Alfred Vargas. Naka-focus ang atensiyon ni Yasmine sa pag-aalaga sa dalawang anak nila ni Alfred, sina Alexandra at Aryana.

Concept ni Yasmine ang birthday party ng dalawang bagets noong Linggo na fairytale ang theme. Tinulungan si Yasmine ng event planner sa pag-mount ng successful birthday celebration nina Alexandra at Aryana.

Ang planning ng birthday party ang pinagkaabalahan ni Yasmine at early next year ay magiging busy siya sa pagtulong sa kampanya ni Alfred na kakandidatong congressman sa 5th District ng Quezon City.

Looking forward ang misis sa pangangampanya dahil ngayon pa lamang niya matutulungan sa pulitika ang kanyang mister. Buntis siya nang kumandidatong konsehal si Alfred ng 2nd District noong 2010 kaya hindi naging visible si Yasmine sa campaign noon ng kanyang loving husband.

Sina House Speaker Sonny Belmonte at ang anak nito na si Sir Isaac ang ilan sa mga bisita sa binyag at birthday party nina Alexandra at Aryana.

Nandoon din sina Gladys Reyes, Dimples Romana, Carlene Aguilar, at James Blanco na mga ninang at ninong sa binyag ni Aryana. Present din ang fashion designer na si Paul Cabral na close friend ni James.

Umapir din si Quezon City Councilor Precious Hipolito at ang mister nito, si House Representative Winnie Castelo. Kaibigan ni Alfred ang mag-asawa at magkalapit ang mga opisina nila ni Precious sa Quezon City Hall.

Isinulat ko na noon na hindi nawawalan ng mga teleserye offer si Alfred pero ito ang tumatanggi dahil ang constituents niya sa Quezon City ang kanyang top priority.

Ritz kinain ang mga sinabing hindi magpapa-sexy

Shocked ang mga close friend ni Ritz Azul dahil pumayag ito na maging cover girl ng FHM.

Kahit sa panaginip, hindi ma-imagine ng mga kaibigan ni Ritz na makukumbinsi ito na magpaseksi sa pictorial dahil sa isang insidente na nangyari noon sa isang photo shoot.

Napaiyak si Ritz nang pagsuotin ito ng swimsuit para sa isang product endorsement. Na-guilty ang mga tao sa photo shoot dahil sa pag-iyak ni Ritz kaya palaisipan sa kanila kung paano siya napilit na magpaseksi sa pictorial niya sa men’s mag.

Gladys mabilis dumepensa, ’di muna nag-imbestiga

Nalaman ko ang mga emote ni Gladys Guevarra laban kay Paolo Contis. Hindi nga nagbanggit ng name si Gladys pero halatang-halata naman na si Paolo ang tinitira niya sa kanyang mga tweet.

Bago nag-emote, nag-imbestiga muna dapat si Gladys dahil hindi siya ang tinutukoy ni Paolo nang mag-dialogue ito sa Startalk na pinakinabangan din siya ng mga tao na tumalikod sa kanya ngayong may mga problema siya.

Baka naman guilty si Gladys kaya mabilis ang pagdepensa nito. Huwag kalimutan ang matandang kasabihan na bato-bato sa langit, ang tamaan huwag magalit!

 

vuukle comment

ALEXANDRA

ALFRED

ARYANA

CARLENE AGUILAR

DAHIL

GLADYS

QUEZON CITY

SIYA

YASMINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with