CEBU, Philippines - Aminado si Dennis Trillo nga dakong pressure para nila ang Pinoy adaptation sa Korean series nga Temptation of Wife, ilabi na nga kaduha kini gipasalida sa GMA-7 kaniadto gumikan sa labihan nga paghangop sa publiko. Apan masaligon usab siya nga sa kanindot sa istorya niini, ka mabulukon sa mga characters ug sa “Pinoy touch” nga ilang gibubo niining labing bag-o nilang proyekto, kauban sila si Marian Rivera, Rafael Rosell ug Glaiza de Castro, mauyonan ug malingaw ang tumatan-aw niini sa GMA-7 Primetime.
E-Group: You are playing a flawed character again, so ano?
Dennis: Oo, interesting. Refreshing din, from the, dun sa huli kung ginawa kasi ibang-iba. Pero yun nakakatuwa na makakuha ng ganitong role na not your usual role na stereotypical leading man. Pero medyo challenging din kasi itong role ni Marcel ano siya eh, medyo maloko, pilyo, mayaman. Pero siguro yung challenge sa aking didto ay yung kahit ganito siya kailangan kong makuha din ang puso nung manonood katulad nung nagawa dun sa original na Korean series. Kasi kahit na playboy siya, meron siyang affair, yung pagka animated nung atake niya, yung pagka-silliness, kumbaga napapagaan yung kasal-anang nagawa niya. Kasi magaling na artista yung gumanap dun eh sa original kaya, pressure at challenge na din sa akin at the same time na mapantayan yun at ganun ang maging effect ko dun sa mga makakapanood sa akin.
E-Group: May mga comic parts ba sa serye and how was it, kasi you are dramatic, intense actor?
Dennis: Marami (comic parts). At isa yun sa mga challenge. Tulad kasi ng ginawa ng artista dun sa original, medyo animated, konting exaggeration, may pagka silly. Pero yun na nga, di namin nilayo ang character niya sa ginagawa naming ngayon kasi madaming diehard fans na baka ma-disappoint kapag masyado naming ginawang straight drama. So nandun pa rin yung konting animated, sa mga nuances niya. Nadun pa rin yung silliness niya, yung natataranta siya kapag tinawagan siya ng tatay niya sa telepono, yung mga ganon. Di naming inalis.
E-Group: How did you inject your own brand of acting kasi you are conscious that you have to be as near to the character of the original as possible?
Dennis: Nung nag-start kasi, bago kami nag-storycon binigyan kami ng mga dvd ng original so pinanood naming, pinag-aralan namin yung mga characters. Yun yung kagandahan dun kasi buo na yung kwento, when you are doing a remake mayron ka nang pagbabasehan na character. So ang ginawa lang naming ni-lessen lang ng konti yung ginagawa niya para hindi naman masyadong maging comedy yung dating kasi baka hindi naman bumagay dun sa mga ka-eksena ko na serious.
E-Group: You are doing intimate scenes with Glaiza, how was it, kasi siya daw, she prepared?
Dennis: Oo kinakabahan siya (Glaiza) palagi. Ang maganda sa kanya kahit kinakabahan siya kaya niyang i-set aside lahat kapag nag-roll na yung camera, para siyang nagta-transform. Kahit ako nagugulat sa kanya kasi akala ko ba kinakabahan, okay naman pala. Yun yung maganda sa kanya, seryoso siya sa trabaho niya. And dun naman sa mga intimate scenes namin, artistically done. Kasi, itong Temptation of Wife ang bentahe nito hindi naman siya erotic series, dib a? May mga suggested lang na eksena na ganun. Pero ang bentahe nito ay yung mga makukulay na characters ng bawat isa sa kanila. Like yung kay Angeline, kay Heidi, lahat. Talagang acting piece dahil multi-faceted bawat character, maraming nangyayari.
E: Group: Marian described you as very gentleman when it comes to those intimate scenes, how do you execute those scenes and yet come out gentleman?
Dennis: Ah ang kailangan kasi kapag gumagawa ka ng ganung eksena nandun ang respeto mo sa iyong mga co-actors at yun yung pinaka importante sa akin, ayaw kong mawala, ayaw kong naba-violate sila—yung feeling na ganun. So kailangan ipakita mo ang respeto mo at the same time, maipapakita, ibabalik din nila yung respeto sayo. At siyempre kapag mga ganong mga scenes kailangan maparamdam mo sa kanila na inaaalayan mo sila para wala ring, para maayo na madeliver yong mga ganong klaseng eksena.
E-Group: Anong pagkakaiba ni Marcel sa’yo that makes it challenging?
Dennis: Ohmm malayo. Kinontak ko pa yung mga kabarkada ko na babaero para makakuha ako ng pointers kasi ano eh, di ako sanay, nahirapan ako nung character ko… hahahahaha.
E-Group: Gusto na sana naming maniwala..
Dennis: Ahaha. Hindi yung character ni Marcel kasi ano siya eh, maraming mga lalaki na makaka-relate dun sa mga ginagawa niya. So yun na nga maaaliw din kahit yung mga lalaki na makakanood sa kanya dahil sasabihin, uy ginagawa ko rin yung style niya, may dalawang telepono si Marcel, yung isa pangkabit niya, yung isa pang-wife. Tas marami pa, marami pang mga kalokohan na nakakatuwa dahil siguradong matutuwa din kahit yung mga lalaking audience. (BANAT)