Aktor nagka-raket dahil sa isang malaking tao sa kalabang network

Hindi naman pala ang kanyang network ang nagbibigay ng endorsement sa isang actor. At magugulat kayo dahil hindi pala niya ka-network, isang mataas na tao pa sa kabilang network. Yup, galing sa kalabang network na kinabibilangan ng actor.

Mismong isang malapit sa actor ang nagbuking na hindi nga ang kanyang kinabibilangang network ang nag-effort para magkaroon ng pagkakakitaan ang actor habang wala itong trabaho noon.

Eh noong time na nagkaroon ito ng raket, tengga raw talaga ang actor kaya panay ang pasasalamat ng malalapit sa actor sa mataas na tao na taga-kabilang network.

“Saka nakatulong ’yun para maging visible siya sa TV. Kasi napanood siya sa ibang channel dahil sa mga naging endorsement niya,” say pa ng source.

Paano kaya ang hatian ng commission ’pag ganun ang set up?

YOUNG ACTRESS IPINAGKAKALAT NA MAY HIV!

Grabe ang ikinakalat ng isyu sa isang young actress. HIV positive raw ito dahil nahawa sa ex-boyfriend.

Sunud-sunod ang message na natanggap ko. Iisa ang message pero iba’t ibang number ang ginagamit.

Malinaw na paninira ang ikinakalat sa young actress dahil bida siya sa magsisimulang programa ngayon sa isang network.

Wala rin naman sa hitsura ng young actress na may sakit siya.    

 

Show comments