Paolo ayaw na kay Lian, wala na talagang planong balikan
PIK: Hindi naiwasang nadadamay si Bea Binene kapag nagpu-promote si Barbie Forteza ng bagong telefantasya niya sa GMA 7 na Paroa, Ang Kuwento ni Mariposa.
Magsisimula na mamayang hapon bago mag-24 Oras kaya aligaga si Barbie sa promo. Pero ang madalas na natatanong sa kanya ay ang tungkol sa hidwaan diumano nila ni Bea.
Nang tinanong si Bea, hindi raw ito totoo dahil bihira nga sila nagkikita ngayon o nagkakasama sa Party Pilipinas.
Sabi naman ni Barbie, hindi sila ganun ka-close ni Bea pero hindi naman sila magkaaway.
Naintindihan naman niya na madalas silang naiintriga dahil sila ang mahigpit na pinaglalaban. Wala raw dahilan para mag-away silang dalawa.
PAK: Totoo kayang nakakatanggap ng mga panlalait si Gina Alajar mula sa Noranians dahil sa kanya napunta ang project na Mater Dolorosa na kasali sa Cinema One Originals Film Festival?
Kay Nora Aunor naman daw talaga ito unang inalok at gusto na niya sana itong gawin pero hindi natuloy dahil hindi raw pumayag ang TV5 na gawin niya ito.
Ang daming magagaling na aktres na kinunsider sa proyektong ito pero kay Gina napunta.
Na-challenge lalo ang aktres kaya ginagalingan niya ng todo dahil sa natatanggap niyang panlalait mula sa mga Noranian na nababasa niya sa ilang social network sites.
BOOM: Nilinaw na ni Paolo Contis ang mga isyung ibinato sa kanya kaugnay sa hiwalayan nila ni Lian Paz at ang mga ibinibintang sa kanya ng dating asawa.
Itinanggi ng aktor na third party ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay ito kay Lian.
Ang hiling na lang ni Paolo, sana huwag na raw palakihin pa ito at pag-usapan na lang nila ni Lian ang kung anumang dapat ayusin nila para sa kanilang dalawang anak.
Sa tono ng mga sagot ni Paolo, malabo na siyang makipagbalikan kay Lian. Ang gusto na lang niya ay pag-usapan nila in private ang mga dapat ayusin para sa kanilang mga anak.
Ang dalawang anak nila ang mag-uugnay sa kanilang dalawa, bukod doon ay wala na.
- Latest