^

PSN Showbiz

Jeepney TV ilulunsad, replay ng ABS-CBN shows ang ipapalabas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Special joyride experience ang ihahandog ng ASAP 2012 ngayong Linggo (Nobyembre 4) sa engrandeng paglulunsad ng pinakabagong cable channel ng ABS-CBN na Jeepney TV. Ang seleb­rasyon ay pangungunahan ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano na siyang umawit ng theme song ng Station ID ng bagong istasyon na nagtatampok ng replays ng well-loved Kapamilya teleseryes, sitcoms at TV specials tulad ng Home Along Da Riles, Ang TV,  Gimik, at Pangako Sa ‘Yo.

Bukod kay Mr. Pure Energy, kasama rin sa grand launch ng Jeepney TV ang ilan sa pinakasikat na Kapamilya stars na sina Martin Nievera, Toni Gonzaga, Jericho Rosales, Nikki Gil, at Eula Valdes.

Sumama sa kakaibang biyahe sa mystical Supahdance treat na handog nina Matteo Guidicelli, Jessy Mendiola, Iya Villania, Megan Young, Empress, Carlo Romero, Manuel Chua at Iza Calzado.

Tunghayan din ang isa na namang mindblo­wing performance na ihahatid ng ultimate multimedia star na si Toni sa T Zone; na susundan ng makapigil-hiningang dance number ng internatio­nal Pinoy RnB sensation na si Billy Crawford sa kanyang pinakabagong B-Segment.

Sunod-sunod na surprises naman ang tiyak na kapananabikan sa ASAP centerstage nga­yong Linggo kabilang ang espesyal na production number na inihanda ng nina Ella Cruz, Robi Domingo, Miles Ocampo, Jerome Ponce, Janella Salvador, Tippy Dos Santos, Anja Aguilar at Sam Concepcion kasama ang Kapamilya child wonders na sina Xyriel Manabat at Bugoy Cariño. Huwag ding palampasin ang back-to-back album launches ng Kapamilya hunk na si Carlos Agassi at ng OPM band na Callalily.

Samantala, world-class talent ang muling masasaksihan sa makatindig-balahibong concert experience na ihahandog nina ZsaZsa Padilla, Vina Morales, Bamboo, at ng ASAP Sessionistas; nakamamanghang vocal act nina Christian Bautista, Erik Santos, Jed Madela, at Angeline Quinto; at sa malupit na acoustic-rock performance nina Yeng Constantino, Aiza Seguerra, JM de Guzman, Zia Quizon, at Paolo Valenciano.

 

AIZA SEGUERRA

ANGELINE QUINTO

ANJA AGUILAR

BILLY CRAWFORD

BUGOY CARI

CARLO ROMERO

CARLOS AGASSI

CHRISTIAN BAUTISTA

ELLA CRUZ

KAPAMILYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with