^

PSN Showbiz

Magpapa-blotter na: Baguhang aktor pinagsamantalahan ng makeup artist at wardrobe staff habang tulog

Pilipino Star Ngayon

PIK: Pinasok na rin pala nina TJ Trinidad at Ervic Vijandre ang pulitika dahil nag-file na pala sila ng candidacy nila nung nakaraang buwan.

Tatakbong konsehal si TJ sa Pasay City dahil pamilya naman talaga siya ng mga Trinidad na kilala sa naturang lungsod.

Si Ervic naman ay tatakbong konsehal sa first district ng Taguig City. Marami palang nag-udyok kay Ervic na tumakbo sa kanilang lugar dahil matagal na rin naman siyang tumutulong sa mga tagaroon at suportado ito ng mga kabataan doon.

Tahimik muna sila ngayon dahil nagtatrabaho sila at kasali pa sila sa Aso ni San Roque ng GMA 7.

PAK: Balak ng isang baguhang aktor na ipa-blotter ang isang makeup artist at taga-wardrobe na nagmolestiya sa kanya habang tulog na tulog sa biyahe.

Kasali sa isang indie film na may working title na Bangungot ang baguhang actor.

Sa Quezon ang shooting nila at nung na-pack up ay nakisabay siya sa service pabalik ng Maynila.

Dahil pagod na pagod, mahimbing ang tulog ni baguhang aktor sa loob ng van katabi ang makeup artist at isang staff sa wardrobe department.

Wala siyang kamalay-malay na ang bangungot sa kanyang pagtulog ay pinaghihipuan na siya at hinawakan na ang kanyang ari.

Nalaman na lamang niya pag-uwi nang mag-text sa kanya ang isang staff na wala itong kamalay-malay sa ginawa sa kanya nung makeup artist at wardrobe staff.

BOOM: Sa Hong Kong pala nagbakasyon ang magkasintahang Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista nitong nakaraang Undas.

Magkasama silang umalis patungong Hong Kong sakay ng PAL flight ng 10:15 a.m.

Pero tahimik lang sila at wala kang nakikitang nai-post sa kanilang Twitter account.

Nung isang araw ay nag-post lang si Heart sa kanyang Instagram na nasa Macau ito.

Si Sen. Chiz naman ay nasa Ninoy Aquino International Airport pa nung mag-tweet.

 

vuukle comment

CHIZ ESCUDERO

ERVIC VIJANDRE

HEART EVANGELISTA

HONG KONG

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PASAY CITY

SA HONG KONG

SA QUEZON

SAN ROQUE

SI ERVIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with