^

PSN Showbiz

Shaina nakakuha ng simpatya habang panay ang pag-iingay nina John Lloyd at Angelica

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Sa kabila ng ingay ng relasyon nina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, siya namang tahimik ng buhay ni Shaina Magdayao. Kaya naman, sa kanya napunta ang simpatya ng mga tao dahil siya ang lumabas na kawawa sa nangyari sa kanila ng actor.

Sa kanyang Instagram account, panay positive news ang kuwento ni Shaina. Noong Undas nagpa-detox siya sa isang sosyal na farm sa Batangas. Sa kanyang birthday, mga kaibigan ang kasama niya. Madalas din siyang mag-yoga. Very quiet at walang sinasabi na malaki ang naitulong sa kanya.

Eh ang magkarelasyong Angelica at John Lloyd, nasabi na ang lahat tungkol sa kanila.

May project sila pareho – si John Lloyd may A Beautiful Affair at si Angelica may Banana Split.

Si Shaina naman ay matatapos na sa Kung Ako’y Iiwan Mo pero hindi pa rin nagsasalita.

Well sana nga ay panatilihin na lang ni Shaina ang katahimikan at ‘wag nang makigulo sa balita ng bagong magkarelasyon na ipinagpipilitan pang ngayon lang sila nakaramdam ng kakaibang kaligayahan. Kinawawa naman sina Derek Ramsay and Shaina.

Bagong pelikula nila Sarah at John Lloyd wala nang urungan

Tuloy pala ang shooting ng movie nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz.

Wala na raw itong urungan ayon kay Mr. Vic del Rosario ng Viva.

For this year sana ang pelikula pero naurong nang gawin ni JLC ang The Mistress.

Pero ok lang din naman daw dahil nakapahinga si Sarah. Ang kanyang Sarah G. Live ang pinagkaabalahan niya at ang kanyang OPM album. Nakakapag-concert din daw ito abroad.

Pero wala raw plano si Sarah na magsalita pa tungkol sa walang katapusang intriga sa kanyang inang si Divine.

Kung sabagay, bakit kasi kailangang pakialaman ang buhay nilang mag-ina. Problema naman nila ‘yun kung meron nga.

Maraming artista na-enjoy ang bakasyon

Sinamantala ng maraming artista ang long weekend. Si KC Concepcion naglibot sa Europe kasama ang pinsang si Ciara Sotto. Actually, nauna na siyang magbakasyon. Ang gaganda ng mga litratong pino-post niya sa Instagram na kuha niya sa mga tourist spot sa Paris, Italy, Florence at kung saan-saan pa.

Sila Kris Aquino kasama ang dalawang anak ay nagpunta ng Korea at saka dumiretso ng Hong Kong at doon na lang sila nagkita-kita nila Zsa Zsa Padilla, Karylle and Zia.

Ang grupo nila Ruffa Gutierrez and Cristalle Belo ay rumampa sa Bohol.

Sila Luis Manzano and Jennylyn Mercado ay nag-Dubai.

Sina Richard Gutierrez at Sarah Labahti ay nasa Cebu.

Sina Jericho Rosales at GF na si Kim Jones ay nage-enjoy sa beach.

Ang Star Magic actors na sina Xian Lim, Sam Milby, Ge­rald Anderson, Rayver Cruz, Jason Abalos ay nasa Ame­rica para sa kanilang concert pero nagkaroon sila ng chance na mamasyal at maki-Halloween party. Kasama rin sa grupo sina Kim Chiu at Maja Salvador.

Ang dating magkaaway na mag-inang sina Amalia Fuentes at Liezel Martinez ay naglibot din sa Europe. Nagkaayos na sila at nag-bonding kasama ang mga anak nila ni Albert.

I LOVE MANILA sa Music Museum

Isang bonggang palabas ang itatanghal sa Music Museum sa Miyerkules, November 7. Ito ang I Love Manila na pa­ngungunahan nina Jon Santos, Bo Cerrudo at The Company.

Pagdating sa pagpapatawa sa stage ay ‘di na ipagta­tanong  pa si Jon  na lalong naging popular sa pag-impersonate  kina Nora Aunor, Vilma Santos, Armida Siguion-Reyna, Charo Santos, atbp.

Kilala namang balladeer ang debonair singer-recording artist na si Bo Cerrudo at mga romantikong OPM (original Pilipino music) ang aawitin.

Uumpisahan ng The Company ang concert sa revival ng mga rock, disco music, Manila Sound at iba pang awiting  likha ng mga Pinoy na composer.

Ang proceeds ng show ay ibibigay sa  Alay Kay Inay Foundation. Alas otso ng  gabi ang simula ng show at maaaring tawagan ang  telephone number na 441-4071 kung gusto ninyong manood at bumili ng tiket.

 

A BEAUTIFUL AFFAIR

ALAY KAY INAY FOUNDATION

AMALIA FUENTES

ANG STAR MAGIC

BO CERRUDO

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

MUSIC MUSEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with