Lahat ng ticket ibebenta, ’di puwede ang libre : gastos sa concert ni Regine, madugo!

Na-tweet ni Regine Velasquez na nagwu-workout siya sa Gold’s Gym kasama si Ogie Alcasid bilang paghahanda sa kanyang major concert na Silver, happening sa SM Mall of Asia Arena sa Nov. 16. Sa direction ni Rowell Santiago at musical directors sina Raul Mitra at Ryan Cayabyab, isang magandang show ang gagawin ni Songbird at mga guest na sina Ogie, Janno Gibbs, at Lani Misalucha.

Sa presscon, nabanggit ni Regine na hindi pa niya naabot ang ideal weight pero malaki ang tulong ng Sexy Chef at Sexy Solutions para mabawasan ng malaki ang kanyang timbang.

Samantala, sana makarating ang panawagan ni Cacai Velasquez-Mitra, manager at sis ni Regine, na ’yung can afford bumili ng tiket sa Silver concert ay bumili na lang ng tiket at ’wag nang humingi ng complimentary. Madugo nga naman ang production cost ng concert at kailangang mabawi at kumita ang mga producer na iMusic Entertainment at GMA Network.

May suggestion na gawing two nights ang concert pero puno na ang Arena. Hindi naman yata puwedeng sa second night ay ilipat pa sa Smart Araneta Coliseum ang venue ng concert. Walang ibang date at walang ibang venue ang sagot ni Regine sa suhestiyong ito.

Celebration ng 25th  anniversary niya ang concept ng Silver kaya costume pa lang ay grabe na at idagdag pa ang stage. May kasama pa siyang 60-piece orchestra, kaya manood na!

Bago ang concert, ang first birthday muna ni Nate ang ise-celebrate nina Regine at Ogie. Boy Pick-Up daw ang theme ng party at inimbita nila si Sam Pinto para taga-tanong ng “Bakit?”

Kidlat ni Derek,hahawakan ng 2 direktor

Dalawa pala ang directors ng Kidlat na line-produced ng Archangel Entertainment at mapapanood sa TV5 sa January 2013. Sina Eric Quizon at Mike Tuviera ang nagtutulong para mapaganda ng husto ang first series ni Derek Ramsay sa TV5.

Kabilang sa cast sina Baron Geisler, Jay Manalo, Wendell Ramos, Nadine Samonte, Ritz Azul, Niῆa Jose. Kasama rin si Assunta de Rossi na akala nami’y exclusive sa ABS-CBN at si Chanda Romero na akala namin ay sa GMA 7 lang lumalabas.

Kasama rin si Christopher de Leon pero sabi ng manager nitong si Lolit Solis, five days lang itong magti-taping at lilipat na sa Pahiram na Sandali ng GMA 7.

Excited na rin si Derek sa Kidlat kung saan naka-costume siya. Sa tanong kung may bumakat sa costume niya, malakas na tawa ang sagot ng aktor. Hintayin na lang ang airing at ang viewers na ang magsasabi. Hahaha!

Ryan C., Rico Blanco, at Lani Misalucha magiging hurado ng singing search ng tv

Punong abala si Marvin Agustin sa singing search na Kanta Pilipinas dahil ang Futurentainment ang line producer. Maya’t maya, may update siya tungkol dito gaya nang nag-taping na sila para sa pilot episode. Pero wala itong nababanggit kung sino ang host ng singing search at judges.

Hindi tuloy makumpirma kung totoong sina Ryan Cayabyab, Rico Blanco, at Lani Misalucha ang judges. Malaking singing search ito dahil ginalugad nina Marvin at ng kanyang team ang buong bansa para humanap ng bagong music icon.

Ang Kanta Pilipinas nga yata ang rason kung bakit lumipat sa TV5 si Marvin mula sa GMA 7 kahit hindi siya nawawalan ng show sa Kapuso Network.

“Soon” lang ang nakalagay kung kailan ang pilot ng singing search.

Sikat na singer biglang tsinugi ang concert produ

Tama ba ang natsika sa amin na nagkaroon ng conflict ang isang concert producer at isang sikat na female singer? Lumabas ang isyung ito sa katatapos na concert ng singer na noong una ang concert producer ang tweet nang tweet promoting the concert.

Pero kung kailan malapit na ang concert, saka nawala sa eksena ang concert producer. Tumigil ito sa pagtu-tweet tungkol sa concert at nalaman na lang namin na iba na ang producer ng concert.

Ano kaya ang nangyari? Magsalita kaya ang concert producer na in fairness dito ay malaki ang nagawa para malamang may concert ang female singer?

Show comments