PIK: Kapansin-pansin ang laki nang ibinata ni Nora Aunor sa Enchanted Garden ng TV5.
“Sa makeup lang po ’yun,” napangiting sagot ni Nora.
Pero tanggap naman niyang willing siyang magparetoke kung kinakailangan dahil alam naman niyang gusto ng fans niya na ma-maintain na mukhang bata pa rin siya.
“Ang fans kasi masaya sila na nakikita nila ang kanilang idolo na maganda ’yung na-maintain pa rin.
“So, kailangan kahit papaano hindi naman yung sobra, dapat yung tamang-tama lang. Siguro mangyayari rin ’yun sa akin, hindi ko pa masasabi,” pahayag ng Superstar.
Kung sakali raw maisip niyang magparetoke, hindi dito sa Pilipinas dahil merong puwedeng gumawa sa kanya sa Amerika.
PAK: Guest si Zendee Rose Tenerife sa Startalk ngayong araw para pag-usapan ang pag-apir niya sa programa ni Ellen DeGeneres.
Pero marami pala ang nairita sa guesting na iyon ni Zendee Rose sa Ellen na parang lumabas ang kaartehan nito.
Ibang-iba raw ito kay Charice na cute pa nung unang lumabas ito sa show ni Ellen.
Hindi rin ganun ka-impressive ang pagkanta ng teen singer, na wala namang bago sa ginawa niya.
Nakakairita ang kaartehan nito kaya marami ang hindi na natuwa sa kanya.
Karamihan sa mga comment sa YouTube ay ’yung mga pagkairita sa kanya.
Abangan na lang sa Startalk kung matutuwa pa tayo kay Zendee Rose.
BOOM: Pagkatapos mag-file ni Atty. Ferdie Topacio ng kaso laban kay Bea Binene at sa mommy nito, kung anu-ano pa ang mga tini-tweet ng abogado.
Meron pang pinupuri niya ito sa Cielo de Angelina, basta may masabi lang siya sa young actress.
Hindi lang namin alam kung sarcastic ang pagkasabi nito dahil sa Twitter lang niya ito ipinarating.
Ang isa sa mga huling tweet niya: “Ms. Curtis is movie star divine but can’t act. My fave 14-year old Bea has a wider and deeper range of emotions.”
Ano raw ba ang gustong palabasin nito na pagkatapos niyang idemanda, kung anu-anong papuri ang mga sinasabi niya sa young actress?