Anne naki-party sa mga bida ng Twilight na sina Robert Pattinson and Kristen Stewart!

Rubbing elbows sa Hollywood celebrities si Anne Curtis. Yup, nag-attend pala siya sa Hollywood Forever Cemetery 2012 Halloween party na dinaluhan lang din ng mga bida sa Twilight na sina Robert Pattinson and Kristen Stewart na dumating sa party na nakakatakot ang hitsura.

Ayon sa report ng E Online:  “Robert Pattinson and Kristen Ste­wart are a beautiful couple, but last night, they kinda freaked us out.

“The Twilight twosome looked like their normal, casual-chic selves at Hollywood Forever Cemetery’s Halloween bash, with the exception of creepy transparent masks covering their faces. The partial costumes made Robsten appear to have cartoon-esque features, including a perma-smile on K. Stew and a creepy mustache on Rob.

“The duo even held hands as they made their way into the party, R.Pattz leading the way past fellow costumed guests.

“Later in the night, Kristen, 22, went incognito with a pink wig and sunglasses. Katy Perry, a friend of the couple’s, also came out for the night. The theatrical California Gurl, wearing a voluminous black wig, dressed as Jane Lane, the cartoon best friend of MTV’s Daria.”

So, nagkabalikan na nga sila after na kumalat ng photos na nakikipaghalikan si Kristen sa may asawang film director na si Rupert Sanders.

Kaya pala sa victory party ng A Secret Affair last Tuesday ay nagmamadali si Anne dahil aalis nga siya. Pero hindi sinabi na makiki-party siya sa Hollywood Forever Cemetery na historical place sa Los Angeles, California.

Meaning, nakabanggang siko niya lang talaga ang mga sikat. Isa sa naka-post din sa Instagram ni Anne ay si Ellen DeGeneres.

Businessman/woman na sumali sa isang TV search, parang pulitiko sa rami ng bodyguarD

Damang-dama sa isang supermarket ang presence ng businessman/woman na nakasali sa isang search sa TV. Kasi ba naman, mga anim yata ang bodyguard niya. Sa entrance pa lang ng supermarket, may isang nakabantay na. Pagpasok mo sa loob, aba, marami pang nakabantay. So, ang ini-expect ko, baka merong senador o congressman o anak ng bilyonaryo sa naturang supermarket. O kaya ang presidente pa.

Naku, nang hanapin ko kung sino ang binabantayan ng mga naka-brown uniform, siya pala, ang businessman/woman as in gay na showbiz na showbiz.

Asus, samantalang kaliit lang naman ng nasabing supermarket at may CCTV ang buong lugar.

Kung sabagay bilyonaryo naman nga siya. Na-feature pa nga siya sa isang magazine. ’Yun nga lang hindi impressive ang hitsura ng kanyang mansion.

Anyway, maraming tulad niyang bilyonaryo ang hindi naman ganun karami ang bodyguard. Minsan nga ’yung iba, nagpapaka-low profile pa. Pero siya, feel na feel mo na andiyan siya.

Baka naman merong banta sa kanyang buhay? O type lang talaga niyang parating may nakaalalay sa kanya na ang iba ay may hawak na radio.

At nang matapos mamili, doon sila nag-park para magsakay ng mga pinamili sa area kung saan may malaking signage na ‘no loading and unloading.’ Wala silang care ha?

Ganun ba ang totoong mayaman?Aljur nakaka-akting na

In fairness to Aljur Abrenica, may improvement ang acting niya sa kasalukuyang pinalalabas sa GMA 7 na Coffee Prince. Kasi ’di ba dati, sinasabing tuod siya lalo na sa Machete kung saan siya nakatikim ng mga panlalait. Pero dito sa bago nilang programa ni Kris Bernal na local version ng isang Korean series, nakakaarte na siya.

Kaya lang, before the end of the month, wala na itong extension, babu na sa ere.

Bagay kay Aljur ang character na pa-cute-cute lang.

Actually, para siyang si Diether Ocampo noong una. Pero in fairness to Diether, gumaling din siya. So, baka ganung direction ang tinatahak ni Aljur.

Si Kris na kasama sa Coffee Prince ay parang sobrang tangos ng ilong. Pinagawa ba niya ’yun?

Show comments