Knock Out magbabalik sa GMA

MANILA, Philippines - Simula Lunes (November 5), muling mapapanood ang Knock Out tampok ang pinaka-astig na mandirigma sa ibabaw ng ring sa GMA 7.

Matutunghayang muli ng mga Kapuso si Ippo na isang mahiyain at tahimik na high school student. Matapos siyang mailigtas ng isang boksingero na si Takamura, nagsimula ang kanyang pagnanais na matuto ng boxing.

Sa sobrang paghanga sa liksi at galing ni Takamura, nagsimula na si Ippo na matuto ng boxing. Mamahalin ng lubos ni Ippo ang boxing hanggang sa maisipan niyang pasukin at lumaban sa mundo ng boxing.

Magsisimula na ang laban ngayong Lunes (November 5) sa Knock Out, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Hunter X Hunter sa GMA Astig Authority block.

Show comments