MANILA, Philippines - Lalo nang dumarami ang nahu-hook sa top-rating Primetime Bida fantaserye ng ABS-CBN na Aryana na pinagbibidahan ng Kapamilya tween mermaid na si Ella Cruz. Patunay dito ang datos ng Kantar Media noong Huwebes (Oktubre 25) kung saan nakuha ng Aryana ang all-time high national TV ratings nito na 30.5%, o 12 na puntos na kalamangan kumpara sa katapat nitong programa sa GMA na Moon Embracing The Sun na nakakuha ng 18.5%. Samantala, patuloy na tutukan ang makulay na mundo ni Aryana (Ella) ngayong alam na ng kanyang ama na si Victor (Tonton Gutierrez) na isa siyang sirena. Paano nga ba mapoprotektahan ni Victor si Aryana sa pambibintang ni Stella (G Toengi) sa nangyaring aksidente kay Megan (Michelle Vito)?