Boy Abunda ilalantad na ang mga pinagdaanang pagsubok

MANILA, Philippines - Sa natatanging pagkakataon, buong tapang na uupo sa hot seat ng kanyang award-winning show ang Asia’s King of Talk na si Boy Abunda ngayong Sabado (Nobyembre 3) sa ikalawang bahagi ng kanyang birthday special sa The Bottomline With Boy Abunda. Kasama pa rin ang celebrity mommies na sina Grace Poe, Valerie Concepcion, Edith Burgos, Mozzy Ravena, Genelyn Magsaysay, Elena Bautista Horn, at Risa Hontiveros, higit na makikilala ng publiko ang tunay na Boy sa likod ng ka­mera.

Ano nga ba ang mga pinagdaanang pagsubok ng batikang TV host at talent manager bago niya narating ang tagumpay na kanyang tinatamasa ngayon?

May mga bagay nga ba siyang pinagsisisihang nagawa o hindi nagawa?

Sa kanyang edad, ano nga ba ang maitutu­ring ni Boy na pinakaimportanteng aral na kanyang natutunan?

Huwag palampasin ang second part ng birthday special ni Boy ngayong Sabado ng gabi, 11:30pm. 

 

 

Show comments