Masalimuot na kuwento nina Shaina at Jake tatapusin na

MANILA, Philippines - Sa Nobyembre 16 (Biyernes) na ang finale ng isa sa pinakamatagumpay na afternoon series ng ABS-CBN na Kung Ako’y Iiwan Mo. Mula nang umere ang Kapamilya Gold tele­seryeng pinagbibidahan nina Shaina Magdayao, Bangs Garcia, Ron Morales, at Jake Cuenca noong Abril, patuloy na itong mainit na sinuportahan ng afternoon televiewers, dahilan upang ma-extend ito. At matapos ang halos pitong buwan na pagsubaybay ng buong samba­yanan, nakatakda nang magtapos ang masalimuot na kuwento ng magkakaugnay na buhay nina Sarah (Shaina), Paul (Jake), Rino (Ron), at Mia (Bangs). Sa huli, ano nga ba ang mananaig-ang pag-ibig na itinakda o ang matinding silakbo ng pusong naghihiganti?

 

Show comments