Monopolyo sa sigarilyo, iimbestigahan ni Ted

MANILA, Philippines - Kikilalanin ni Ted Failon ang kumpanya ng sigarilyo na tila may monopolyo sa industriya dahil na rin sa bisa ng Tobacco Excise Tax ng 1996 ngayong Sabado (Nov 3) sa Failon Ngayon.

Noong 1996, ang mga sigarilyo ay nagka­ka­hala­ga ng P4.00 kada kaha at may binabayarang sin tax na P2.72 alinsunod sa Tobacco Excise Tax law.

Ngayong 2013, ang parehong brand ng mga sigarilyo na pumasok sa merkado 17 taon na ang nakalilipas ay nagkakahalaga na ng P15.00 kada kaha ngunit parehong sin tax pa rin ang nakapataw sa mga ito. Kaya naman mabibili ito sa tindahan sa halagang P17.72 lang.

Malayo ang agwat ng presyo nito sa mga bagong sigarilyo na pumasok sa merkado nga­yong taon lang. Bawat kaha ay nagkakahalaga rin ng P15.00 ngunit ang binabayarang sin tax nito ay P28.30. Hindi na nakapagtataka na mas pinipili ng mga konsyumer ang lumang brand ng mga sigarilyo kumpara sa bago na mabibili sa halagang P43.30 kada kaha.

Sino nga ba ang may pakana ng monopolyo sa sigarilyo? Anu-ano’ng sigarilyo ito na hindi matinag ang mababang buwis na binabayaran?

Hihimayin at ipaliliwanag ni Ted ang buong isyu sa Failon Ngayon ngayong Sabado (Nov 3), 4:45 PM sa ABS-CBN na may replay sa ANC tuwing Linggo, 2:00 PM.

Isabel oli nag-tryout sa Philippine Dragonboat Team!

May plano na kayang magbago ng career si Isabel Oli dahil nagtry-out pala kamakailan ang Kapuso aktres sa world champion na Philippine Dra­gonboat team.

Mahirap maging miyembro ng nasabing grupo dahil ang training mas madalas ay tuwing mada­ling araw at malakas na pangangatawan ang ka­ila­ngan.  Dumaan pala ang aktres sa mga requirements na kailangang pagdaanan ng isang nagta-try-out sa nasabing team maging ang pagpunta ng madaling araw sa Manila Bay.

Nakapasa kaya ang magandang aktres sa stan­dards ng Philippine Dragonboat team para maging miyembro?

Bukod rito, makaka-chikahan rin niya sina Denver ‘The Excitement’ Cuello at makikilala kung sinu-sino ang mga baguhang basketbolista ng PBA na pumasa sa pagsubok ng liga sa kanilang unang season?

Alamin ang lahat ng ito sa Sports Pilipinas ngayong Linggo ng umaga, 11.15 am pagkatapos ng News TV All Sports sa GMA News TV. 

 

 

Show comments