Nalulungkot ako para kay Alice Dixson. Sa hiwalayan din pala sila nauwi ng asawa niya. Buti na lang may career siyang mapagbubuhusan ng atensiyon, hindi 100 % niyang mararamdaman ang sakit. Pero mabuti na rin ito, kesa naman magpanggap silang all is well ‘yun pala, hindi na sila masaya.
Kapag maaga nilang natanggap ang katotohanan, mas maaga silang makaka-move on.
Katrina may bitterness pa?
Dapat din sigurong mag-move on na si Katrina Halili sa kinahinatnan ng kanyang kaso vs. Hayden Kho. Tutal masaya na siya sa bagong karagdagan sa kanyang pamilya. Kalimutan na niya ang bitterness and go on with her life. She has her child to complete her life. At ang ama nito na nakatutok naman sa kanilang mag-ina.
Sarah gagawin ang lahat para kay Annabelle
Paano ba naman hindi mamahalin ni Mama Annabelle ang bago niyang ‘manugang’ na si Sarah Lahbati eh pumunta pa ito ng Cebu para magpa-rehistro. Obviously na doon ito boboto para maiboto ang kanyang hilaw na ‘biyenan.’
Sigurado din ako na sasama ito sa kampanya ng mga Gutierrezes na magiging star-studded dahil bukod sa mga sikat na anak nito ay marami ring mga mina-manage na talent si Mama Annabelle.
Lian hindi na dapat patulan ni Paolo
Sana ipagpatuloy na rin ni Paolo Contis ang pananahimik niya tungkol sa naging paghihiwalay nila ni Lian Paz. After all nanay ito ng mga anak niya. Gusto niya bang lumabas na masama ang ina ng mga anak niya? Hindi naman siya mapapasama sa maraming sinasabi nito dahil siya ang palaging nasa limelight. He can always defend himself.