Cherie Gil apektado ng superstorm sa New York

Stranded din pala sa New York ang magaling na aktres na si Cherie Gil.

Ayon sa manager niyang si Tita June Rufino, dapat ay noon pang October 30 paalis ng Amerika si Ms. Cherie, pero dahil nga sa superstorm na humagupit, hindi siya nakalarga.

Dinalaw niya sa New York ang dalawang anak na sina Bianca at Rafael.

Ayon pa kay Tita June, tatlong beses sa isang taon kung dumalaw doon si Ms. Cherie.

This year daw, sa bansa magpa-Pasko ang dalawang anak nila ng ex husband na si Roni Rogoff na isang professional violinist.

(Habang sinusulat ko ito ay balitang binuksan na ang mga airport sa New York kaya malamang na pabalik na si Ms. Cherie.)

Noong 2008 lang sila naghiwalay pagkatapos ng 20 years na pagiging mag-asawa.

Naalala n’yo ba na minsan ding inabutan ng tsunami si Ms. Cherie at ang kanyang pamilya sa Thailand. Nagbabakasyon sila noon sa  Karon Beach Resort in Phuket, Thailand nang magkaroon ng worst tsunami and earthquake. Sa awa nang Diyos nakaligtas sila kasama ang dalawang anak at ang asawa pa noong si Rogoff.

Ngayon sa superstorm siya stranded. Grabe rin ‘di ba.

Anyway, naunahan nang gumaling ni Ms. Cherie si Nora Aunor. Pareho silang may problema sa lalamunan. Pero seryoso ang actress at itinuloy ang operasyon kaya nakabalik na sa dati ang boses niya habang si Ate Guy ay balitang nag-iipon pa ng gagastusin para sa operasyon ng lalamunan niya.

SkyCable hd bongga ang mga palabas

Ang bongga ng mga palabas sa SkyCable HD Channels. Mga foreign films na hindi pa naman gaanong katagalang napapalabas sa mga sinehan.

Ibang klase ang HD Channel, sobra kitang-kita mo pati ang mga lines sa mukha ng mga bida. Kaya nga high definition. Hahaha. Para ka actually na nasa sinehan sa sobrang linaw at Dolby surround sound pa.

Kahapon ng umaga ay palabas sa HBO HD ang Last Man Standing. Noong Wednesday night, sunud-sunod din ang magagandang movie.

Aside from HBO meron pang ibang choices – Fox, Starworld, meron ding CNN HD, at marami pang iba. Actually, mas practical pa ang magpa-HD kesa sa mamakyaw kayo ng mga pirated CDs and DVDs. Kasi ‘di ba may mga namamakyaw para panoorin tuwing weekend as in marathon. Eh sa HD, bukod sa mga pelikula meron pa silang mga fashion, food and sports channels.Hindi pa kayo nagkasala sa pamimili ng mga pirated goods.

 

Show comments