Sinabi ni Bea Alonzo na pagdating sa relasyon nila ni Zanjoe Marudo ay all out siya. Kahit sa kalgitnaan ng work, kapag may pagkakataon kahit saglit lamang ay nagkakasama sila. Kumakain kahit sa kotse lang. “’Yun siguro ang sikreto ng relasyon namin. We always find time to be together. Hindi rin namin problema ’yung mga role na ginagampanan namin. We’re both professionals to realize that they’re part of our work. Sa personal naman, wala akong dahilan para magselos. Ipinakikita at ipinararamdam sa akin ni Zanjoe na parang ako lang ang babae para sa kanya. Never akong na-insecure sa kanya in our one and a half years of relationship. Ako kasi, ayaw kong makaramdam ng insecurity. I trust him one hundred percent all the way.
“Kapag nagloko siya, walang usap-usap, end agad. Kahit ang girl pa ang nagpakita ng motibo. Walang masayang lalaki na papatol sa ibang babae. I’ve been insecure all my life, ngayon lang ako nagiging secure kaya ayaw kong ilagay ito sa test. Hindi maganda ang magiging resulta,” sabi ng aktres na nananalangin na sila na sana ni Zanjoe hanggang sa wakas
Jose Mari Chan ngayon lang kumanta ng Tagalog
Sa launching ng kanyang Christmas album na Going Home to Christmas, isang album na ginawa ni Jose Mari Chan makaraan ang 22 taon mula ng lumabas at sumikat ang Christmas In Our Hearts na nagbigay dito hindi lamang ng makailang platinum awards at hanggang ngayon ay binibili pa rin at kinakanta ng mga mahiligin sa musika lalo na sa panahon ng Kapaskuhan, sinabi nito na ang album ay produkto ng labor and inspiration.
Ginawa ng matagumpay na negosyante at mahusay na recording artist ang Going Home to Christmas para sa mga inaakala niyang nagsawa nang kantahin ang Christmas In Our Hearts at naghahanap na ng bagong tunog. Ang hindi pa siya aware, marahil, ay ang katotohanang even in one hundred years or more, hangga’t may Pasko, hinding-hindi maaaring pagsawaan ang Christmas In Our Hearts but since Going Home to Christmas is his Christmas gift to everyone of us we can only thank him and wish that his new album will equal if not surpass the sale of Christmas In Our Hearts.
Dahil 22 taon na ang nakakalipas makaraan ang huli niyang recording, 22 bagong kanta rin ang bumubuo ng Going Home to Christmas maliban na lamang sa The Christmas Story. All the 21 other songs are all originals which took months to record and one year for the album to produce.
Hindi lamang ang magical voice ni Joe Mari ang maririnig sa album kundi maging ang boses ng kanyang mga anak na aniya ay nagmana sa kanya ng talent pero kinuha ang good looks ng kanilang ina.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay kumanta ng Tagalog si Joe Mari. “Dahilan siguro sa Ilonggo ako kung kaya they never trusted me to sing in Tagalog. I wanted to be the one to sing Mamang Sorbetero but they gave it to Celeste Legaspi. I also wanted to sing Hahanapin Ko but they gave it to Anthony Castelo,” pag-amin niya.
Sayang at walang pagkakataon ito na i-promote ang album. May mga nakatakda siyang concerts sa Australia. Makikipag-usap na lamang siya sa mga taga-radyo para kahit wala siya ay patugtugin nila ang album niya.
Follies de Mwah gayang-gaya si Madonna
Halos hindi namin naabot nina Ferman de Guzman at Roland Lerum ang unang gabi ng Club Mwah Show sa Resorts World Manila na matatagpuan sa tapat ng Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Ariport. Bukod sa hindi namin kabisado ang lugar, napaka-traffic pa at napakalayo ng lugar sa kinasanayan na naming Quezon City.
Naabot pa rin namin ang last three numbers ng Follies de Mwah na dati ay sa home base nilang Club Mwah sa Mandaluyong City lamang napapanood pero ngayong tatlong huling araw ng Oktubre (Oct. 29, 30, 31) at sa Lunes, Martes at Miyerkules sa buong buwan ng Nobyembre ay nasa Resorts World Manila na rin sila.
It’s a whole new show, with new costumes, new choreography, new concept. At iisang Pinoy ang tumatayong creative director, dancer, costume designer, choreographer ng show, si Cris Nicolas.
Ang Follies de Mwah ay resident performing group ng Club Mwah na forte ang pagpapalabas ng mga Las Vegas-inspired musical productions mula sa Broadway at ilang box-office films.
Mapapanood sa Resorts World Manila ang Madonna’s Super Bowl Halftime Show. Makikita ang gumaganap ng Madonna na pumapasok ng stage sakay ng isang golden chariot na hila ng isang armada ng mga sundalo. Kasama rin sa repertoire ang mga spoof ng The Sound of Music (ang kasal nina Capt. Von Trapp at governess Maria); Diamonds are Forever (Moulin Rouge version); isang dance routine ng hit single ni Madonna na Vogue, isang number na gumagamit ng mga motorsiklo sa stage; Showgirl-inspired dance sequence, isang choreographed dramatic segment sa isang French café; spoof ng Louis Vuitton ad ni Diego Maradona ng Argentina. Ang finalé ay isang medley ng One mula sa Chorus Line at I Am what I Am mula naman sa La Cage Au Follies.
Samantala, patuloy pa rin ang pagbibigay ng magandang palabas ng Follies de Mwah sa Club Mwah sa Mandaluyong City tuwing Biyernes at Sabado.