Aga ginawang alien!

Malakas talaga si Aga Muhlach sa Bicol. Kung hindi ba naman, eh bakit pati ang citizenship niya kinalkal.

Ang sabi nang nagre-reklamo, alien daw si Aga. Hindi raw siya tunay na Pinoy.

Kaya naman pumunta si Aga sa COMELEC the other day kasama ang wife niyang si Charlene Gonzales para ipabasura ang nasabing petition for disqualification.

“The petition amounts to nothing more than politically motivated harassment by the petitioner and his principals, and is clearly an attempt to fabricate an issue that will taint the otherwise untarnished image of the respondent,” sabi ni Aga sa kanyang sagot sa nag-file ng disqualification.

Alarmed talaga ang kalaban ni Aga ha. Kakandidato siyang congressman sa fourth district ng Camarines Sur under Liberal Party.

Kung sabagay grabe ang tao sa lahat ng lugar na puntahan ni Aga sa Bicol. Sa kanyang birthday noon, 30,000 tao raw ang dumagsa.

Actually kahit sa nakikita ko sa facebook account niya, grabe nga. Parang nakakita sila ng pag-asa sa buhay.

SUDDENLY… SOBRANG TAMIS!

“Kung diabetic ka, baka atakehin ka sa sobrang ka-sweetan,” natatawang sabi ng isang nakapanood na sa pelikulang Suddenly It’s Magic, ang pelikula ng Thai actor na si Mario Maurer at Erich Gonzales na palabas na simula ngayong araw sa mga sinehan.

Umaapaw daw kasi talaga ang sobrang tamis ng pelikula at sobra ang kilig.

Kinunan sa Pilipinas at Thailand ang karamihan sa mga eksena.

Dumating si Mario ng bansa para sa ginanap na presscon at premiere night kagabi.

Aminado si Mario na excited na rin sa kanyang pagbabalik-Pilipinas upang personal na i-promote ang kauna-unahang pelikula niya sa ‘Pinas.

Sa ilalim ito ng direksiyon ni Rory B. Quintos.

Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Suddenly It’s Magic.

AFTER 22 YEARS, JOSE MARI CHAN MAY BAGONG PAMASKO

Tradition na tuwing Pasko ang Christmas songs ni Jose Mari Chan.

Pero ngayon taon, 22 years after the release ng kanyang classic album at pinakamatagumpay na Christmas In Our Heart, naglabas siya ng Going Home Christmas album na may 22 songs.

“I have put my whole heart into it and had all these years to prepare every note and every word that went into the production of the CD. A labor of Love & Inspiration,” sabi ni Mr. Jose Mari.

“There is a song for everyone in this collection.

“Joyful carols, songs for the families gathered together at Christmas, a nostalgic piece dedicated to our beloved OFWs, prayerful songs, romantic Yuletide ballads, instrumental mood music as background for your Holidays, a song for children, and even two songs in Pilipino that evoke the fiesta mood of PASKO.

“I collaborated with friends like Freddie Santos, Trina Belamide, Joel Trinidad, Pinky Valdes, Father Johnny Go, S.J., Jimmy Santiago, Loren Steele and Ogie Alcasid.

“Performed with my children Liza Chan-Parpan, Jojo Chan, Michael Chan, Franco Chan, granddaughter Ramona Isabel Buñag Chan, Moy Ortiz, the CompanY, Shiela Valderrama, Teenee Chan, Cris Villongco, Hanna Flores, Noelle Cassandra, Psalmo 47, The Hail Mary The Queen Children’s Choir, Trina Belamide, Ayie Oppus-Remonte, Lindie Achacoso, Kitchy Molina, Deo Fortunato Cruz, Eugene Cailao, members of
the Ateneo Glee Club, Cristina de Leon and Jerome Ventinilla,” sabi niya tungkol sa album.

“Some of the country’s finest musical arrangers worked on my songs like Gerard Salonga, Louie Ocampo, Jun Latonio, Homer Flores, Rudy Lozano, Marvin Querido, Noel Mendez, Ferdie Borja, Robert Delgado, Antonio Go, Kahlil Refuerzo, Jude & Theresa Roldan, Yaron Gershovsky.

“It’s my gift to all the music lovers that have embraced my songs these past 45 years of my career as a recording artist,” pagtatapos ni Mr. Chan.

Hindi kumpleto ang Pasko ng wala ang music ni Jose Mari Chan.

Distributed ng Signature Music ang kanyang album.

 

Show comments