MANILA, Philippines - Over sa pagmamadali si Andie (Kris Bernal) na makalabas sa lockers, hindi na niya ma-take ang view ng abs ni Arthur (Aljur Abrenica)! Taka naman si Arthur sa kinikilos ni Andie! Pag-uwi ni Andie, hindi pa rin ito moved-on! Mukhang kailangan mo ng matinding pagpag, gurl! Sa sobrang lutang si Andie hindi nito mapapansin ang balita nina Beth at Mylene na may napanalunan sila sa raffle – isang bonggang-bonggang trip… to Batanggas! Wow!
Mare-realize ni Arthur na may point nga si Andie. Dapat hindi siya laging available kay Arlene. Kaya naman kakausapin niya itong si Andie to ask for another favor… ang magpanggap si Andie na girlfriend ni Arthur! So, from bading, girlash na ngayon si Andie not knowing ni Arthur na babae naman talaga ito si Andie!
Pupunta si Arlene sa Coffee Prince. Kunyari pa nitong kasama si Tiffany, ang kanyang secretary pero pumunta lang naman talaga ito para mag-usisa sa new girl ni Artie. Ibabalita ni Artie na girlfriend na niya si Mandy at para patunayan ito sa harap ni Arlene, tatawagan niya si Andie at kunyaring sweet-sweetan dito. Habang sumasakay naman si Andie sa mga sinasabi ni Arthur sa phone, bigla namang darating si Errol. Malalaman nitong nandito si Arlene na moody na naman.
Hindi papayag si Arlene na mawala sa kanya si Arthur kaya she decides to spy on this Mandy girl. Nang paalis na si Andie at Mang Ernie papuntang Batanggas, makikita ni Arthur ang kotse ni Arlene approaching Coffee Prince. Biglang sasakay si Arthur sa van nina Andie para taguan si Arlene.
Mapapasama si Arthur sa Batangas outing nina Andie kahit ayaw ng huli. Mega bonding si Arthur sa family ni Andie. Ilang saglit pa, nang mag-swim si Andie na hindi naman talaga marunong magswim, muntik na itong malunod. Sasagipin ito ni Arthur. Nang hindi magising si Andie, Arthur decides to give her a mouth-to-mouth resuscitation. Biglang magigising si Andie at makikitang papalapit na ang lips ni Arthur! Katense!
Pabongga nang pabongga ang mga pangyayari sa tumi-trending nang local version ng Coffee Prince gabi-gabi sa GMA 7.