MANILA, Philippines - Binuksan ni Jericho Rosales ang final quarter ng 2012 ng marami pang exciting projects na nagsimula sa kanyang pagbabalik sa primetime television sa ABS-CBN na idinirek ni Malu Sevilla, ang Against All Odds. Makakasama niya sina Judy Ann Santos, Sam Milby, KC Concepcion, Tirso Cruz III, at Coney Reyes.
Pinaghahandaan na rin ni Echo ang pagbabalik niyang muli sa reality TV show na I Dare You na ka-alternate ni Robi Domingo at eere para sa second season nito next year habang patuloy siya bilang isa mga featured artist sa ASAP 2012.
Nominated din si Jericho para bilang best actor sa upcoming PMPC Star Awards For TV para sa kanyang impressive performance sa TV series na Dahil sa Pag-ibig.
Sa pelikula, ang kauna-unahang co-production venture sa indie movie circuit ng aktor ay ang motion picture na Alagwa (Breakaway). Kamakailan lang ay nagka-world premiere ito sa 17th Busan International Film Festival (BIFF) na ginanap sa Busan, South Korea.
Nakipag-collaborate si Jericho sa Anakim Productions at sa direktor na si Ian Lorenos sa Alagwa.
Isang Hollywood reporter ang naglarawan sa Alagwa bilang isang low-budget standout: “This sophomore effort from young Filipino director, Ian Lorenos, is not only a powerful film about human trafficking; it is also a small gem portraying a father-son relationship with nothing fake or sentimental about it.”
Maganda rin ang naging komento nito sa topnotch performance ni Jericho at ng child actor na si Bugoy Cariño, “The film owes a great deal to the natural chemistry between singer-actor Rosales and Cariño, the child star of the TV series E-Boy, whose playful, mischievous nature contrasts with Rosales’ nervous hen approach to child-rearing. The spontaneity is a welcome change from the usual parent-child sentimentality on screen.”
Kasama rin sa cast ng Alagwa sina Leo Martinez, Smokey Manaloto, John Manalo, Jeremiah Rosales, Inaki Ting, Garry Lim, Nanette Inventor, Jamieson Lee, EJ Caro, at ang Malaysian star na si Carmen Soo para sa isang espesyal na cameo role. Awit Awardee Gabriel Valenciano ay tila nagkarooon ng film debut dahil sa pagpo-produce at pag-arrange ng musical scoring para sa pelikulang ito. Ang Jericho-Gabriel tandem ay nakapag-produce ng ilan sa pinakamagagandang recordings gaya ng Bumuhos Man ang Ulan, Naaalala Ka, at Dahil sa Pag-Ibig.
Ang Alagwa ang pinakabagong pagsabak ni Jericho sa international scene pagkatapos ng kanyang unang Hollywood film na Subject, I Love You na ginanap sa Newport Film Festival sa California, USA.
Sa musika naman ay kalalabas lang din ni Jericho ng kanyang solo album under Star Records na pinamagatang Korona. May six all-original alternative OPM songs ito, kasama na rin ang carrier single nito na Paboritong Tag-Ulan, na isinulat ni Jericho at nilapatan ng musika ng album co-producer at Star Records’ audio and content manager na si Jonathan Manalo.
Ang isa pang version ng kanta ay ang duet kay Julianne. Kasama rin ang mga kantang Dahil sa Pag-ibig na ginamit na theme song sa kanyang teleserye; Kasama Ka; Halaga; Bumuhos Man ang Ulan, at Pusong Ligaw. Highlight din sa Korona ang revival sa kanta ni Freddie Aguilar na Kamusta Ka Aking Mahal, at ang Makita Kang Muli ng Sugarfree na theme song ng 2005 drama epic ng ABS-CBN na Ang Panday na pinagbidahan din ni Jericho.
Ngayong taon sa Yes! Magazine’s 2012 list of 100 Most Beautiful Celebrities ay nakapasok pa rin si Echo. Isa pa rin kasi ang aktor sa mga top celebrity product endorsers. Kaya ang tanging masasabi ni Echo, “I feel very blessed to be able to do what I love to do: Ang pag-awit at pag-arte sa TV at pelikula. I hope that through my craft, I can give something back and bring the glory back to the Lord.”