^

PSN Showbiz

Patrol Ng Pilipino maghahanap ng mga ligaw na kaluluwa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Personal na mararanasan ni Jeff Canoy ang pagpaparamdam ng mga ligaw na kaluluwa sa kanyang paghimay sa mga paniniwalang Pinoy sa paggunita sa mga namayapa ngayon (Oct 30) sa Patrol ng Pilipino, pagkatapos ng Bandila.

Sa replay ng espesyal na episode na ito, tinulungan ni Jeff ang isang ina na maghanap ng hustisya sa kanyang anak na ginahasa at pinatay sa tulong ng mga paranormal expert. Dito’y nagparamdam daw ang biktima sa pamamagitan ng pagbukas-sara ng mga bintana sa bahay nila.

Sasamahan din ni Jeff ang isang lolong matagal nang gustong makausap ang kanyang namayapang asawa at dadalhin siya kasama ang paranormal experts sa isang dumping site kung saan diumano’y may mga pagala-galang kaluluwa ng mga patay.

Susuriin din sa episode ang hilig ng mga Pinoy sa mga istoryang katatakutan at ipapakita ang magkaibang pana­naw ng mga pinuno ng Simbahan, sosyolohista, historyador at siyentipiko. Totoo bang nilisan na ng mga kaluluwa ang mundo o sila’y gumagala lang sa paligid?

BANDILA

DITO

JEFF CANOY

PILIPINO

PINOY

SASAMAHAN

SIMBAHAN

SUSURIIN

TOTOO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with