Cesar biglang binalingan sina Cristine at Lovi

Nakausap namin si Cesar Montano sa PLDT-Smart Foundation Gabay Guro Tribute na dinaluhan ng may 15,000 teachers galing sa iba’t ibang lugar ng bansa. Ibinalita ng actor-director na sa November 7 na ang first shooting day ng The Turning Ta­ble: The Untold Story of  Alfredo Lim. Buong November niya gagawin ang movie na last week ng January 2013 ang playdate.

Working title pa lang daw ang Turning Table, pero sa ibang bansa, ito pa rin ang gagamiting title. Tatapusin ni Cesar ang movie for 18 days, may location sila sa Manila, Bulacan at Laguna.

Kung sa presscon, si Anne Curtis ang tina-tar­get na leading lady ni Cesar, mukhang nabago na dahil sina Lovi Poe at Cristine Reyes na ang pinagpipilian. Pero hindi pa rin sila sure hangga’t hindi nagsisimula ang shooting.

Masaya si Cesar dahil pumayag si Aga Muhlach na mag-guest bilang pulis na bestfriend ni Mayor Lim. Kaya lang ang request nito, hindi siya ang magdirek sa kanya dahil mahihiya siyang mag­drama. Balak ni Cesar na kunin either si Toto Natividad o Joyce Bernal para magdirek kay Aga sa one day shooting nito.

Wala pang next show sa TV5 si Cesar after mag-host ng Artista Academy, kung siya ang pamimiliin, gusto niyang mag-host ng game show. Paging TV5!

Samantala, ang ganda palang pagmasdan ang mga guro na nagsasaya sa Gabay Guro event.

Naki-sing-along sila at walang tigil ang sayawan at tawanan. Nag-enjoy ng husto sina Sir at Ma’am sa tribute sa kanila.

Barbie at Derrick may banta sa Protégé na si Ruru

Sanay na sa prosthetics si Barbie Forteza dahil sa Nita Negrita, kaya steady lang sa prosthetics na inilalagay sa kanya na mala-higad sa fantaserye ng GMA 7 na Paroa, Ang Kuwento Ni Mariposa. At least dito, hindi siya pinaitim, may inilagay lang sa mukha niya, pero mainit at makati.

Naririnig na pala ni Barbie ang Paroa noon pa, hindi lang niya ini-expect na sa kanya ibibigay ang project. Ayaw niyang panoorin sa set ang mga kinukunang eksena ni direk Mark Reyes, gusto niyang masorpresa kaya sa pilot sa November 5, bago ang 24 Oras na niya gustong panoorin ang pinagbibidahang fantaserye.

Si Derrick Monasterio uli ang kapareha ni Barbie at dahil muli silang pinagtambal, ang feeling nila, tanggap sila ng viewers. Tingnan natin sa pagpasok ni Ruru  Madrid na ipapareha rin kay Barbie kung maitsa-puwera na ba talaga si Derrick gaya ni Joshua Dionisio.

Abangan din si Barbie sa MMFF entry na Si Enteng, Si Agimat at Ako at Sossy Problems  na entry naman ng GMA Films. Probinsyana ang role niya rito at madalas kaeksena si Rhian Ramos.

Samantalang kapapanalo lang

Vin mas marami nang trabaho kesa kay Aljur

Bukod sa mga binanggit na prizes ni Vin Abrenica sa pagi­ging best actor sa Awards Night ng Artista Academy, magkakaroon din siya ng album. In fact, bukas na ang recording niya ng first song sa five-track album entitled Konti Man Lang na sinulat ni Jimmy Bondoc.

Si DJ Myke, boyfriend ni Ehra Madrigal ang in-charge sa recording ng album ni Vin na produced ni Noel Ferrer. Sa December 8, may special show sila nina Aljur at ama nila sa Zirkoh Morato.

Si Vin din at ang ka-love team na si Sophie Albert ang bida sa Forever Barkada show nila sa TV5 na airing early next year. Nabanggit ding may soap na gagawin ang dalawa. Busy na agad ang schedule ni Vin. Tama ang sabi ni Aljur na mas busy sa kanya ang kapatid.

Sa kanyang Twitter account naman ipinaabot ni Aljur Abrenica ang pasasalamat sa mga bo­moto sa kapatid niyang si Vin. Nasa Smart-Ara­neta Coliseum ang aktor nang i-announce ang pananalo ng kapatid.

Ini-expect ng mga tao sa Big Dome na aakyat siya ng stage to congratulate his “utol,” pero bawal yata bilang taga-GMA 7 siya.

Samantala sa Coffee Prince, in fairness, kinakitaan ng chemistry sina Aljur at Max Collins at ganu’n din sina Kris Bernal at Benjamin Alves.

Show comments