Babaero, nananakit daw: Pasabog ni Lian ayaw patulan ni Paolo

PIK: Tinanong ang winners ng Artista Academy na sina Vin Abrenica at Sophie Albert kung ano ang gagawin nila sa perang napanalunan nila bilang Best Actor at Best Actress. Sagot ni Vin, mamimili na siya ng mga gamit niya para sa taping. Maaaring bibili na rin siya ng sarili niyang kotse dahil magiging abala na siya sa taping sa mga prog­rama nito sa TV5.

Si Sophie naman ay iti-treat niya ang pamilya niya sa isang European tour. Bongga ’di ba?

PAK: Hindi pa rin tapos ang pagkadawit ni Jose Manalo sa kasong kinasangkutan ng asawa niyang si Annalyn Manalo. Paalis ang buong Dabarkads ng Eat Bulaga para sa isang show sa London, England at kasama ang sikat na duo na sina Jose Manalo at Wally Bayola.

Dahil sa hindi pa rin tapos ang kaso ni Annalyn sa mga tsekeng napatalbog diumano, damay pa rin si Jose sa hold order na inisyu sa kanila. Kaya kailangang mag-post na naman ng bond para matiyak lang na babalik si Jose.

Hindi lang alam ni Jose kung magkano ang ipinost ng Eat Bulaga pero ibabalik naman ang malaking halagang iyon pagbalik nila ng bansa.

Ang huling ibinayad ng TAPE, Inc. nung nag-show sila sa Amerika ay dalawang milyong piso.

BOOM: Ayaw nang magkomento ni Paolo Contis sa mga pasabog ni Lian Paz sa sinabi nito nang mag-guest ito sa HOT TV kamakalawa ng hapon. 

Sinabi ni Lian na merong third party involved sa kanilang hiwalayan at isang taon na ’yun. Kaya galit na ang naramdaman niya kay Paolo at tingin niya hindi na niya kayang makipagbalikan. Mukhang ganun din naman ang naramdaman ni Paolo kaya hindi na ito nakikipag-usap kay Lian.

Itinatanggi ng aktor ang tungkol sa pagkakaroon ng ibang karelasyon pero ayaw na lang niyang magsalita dahil problema na nila ito ni Lian na hindi na kailangang pag-usapan pa sa publiko alang-alang sa kanilang dalawang anak.

Show comments