Reporter’s Notebook walong taon na

MANILA, Philippines - Ang award-winning investigative news magazine program na Reporter’s Notebook ang kauna-unahang public affairs show na maglulunsad ng election-related special reports sa pamamagitan ng Sektor, isang eight-part series na handog ng prog­rama sa ika-walong taon nito sa telebisyon.

Mula October 2012 hanggang May 2013, mag-uulat ang Sektor ng buwanang special reports na mag-iimbestiga sa mga isyung naka-aapekto sa walong batayang sektor ng lipunan na itinutu­ring na pinakamahirap ayon na rin sa taunang pag-aaral ng gobyerno. Ito ay ang mga sumusunod: mangi­ngis­­da, magsasaka, mga bata, self-employed/un­­paid family workers, kababaihan, kabataan, mi­g­rant at formal sector, at senior citizens, saad ng Na­tional Statistical Coordination Board. 

Bukod sa paglalahad ng kanilang mga kalaga­yan, bawat report ay tatalakay sa pag-aaral sa mga nakaraang programa at kasalukuyang polisiya na ipinatutupad ng administrasyon. Aalamin din kung sapat nga ba ang mga kinatawan ng bawat sektor sa gobyerno kung ang pagtugon sa mga panga­nga­i­langan ng marginalized groups ang pag-uusapan.

Sa October 30, samahan sina Jiggy Manicad at Maki Pulido sa kanilang paglalakbay patu­ngong Zamboanga City, Surigao del Norte hanggang Jolo, Sulu upang tuklasin ang tunay na kinakaharap ng pinakamahirap na sektor ng bansa at alamin ang mga kasagutan sa kanilang mga daing.

 Huwag palalampasin ang Sektor: Mangingis­da, Lambat ng Kahirapan ngayong Martes, ika-30 ng Oktubre pagkatapos ng Saksi sa GMA!

 

Show comments