Maluhong aktor, damay ang pamilya sa paghihirap

Mayabang ang aktor na ito kaya gustong ma­luho ang buhay kahit hindi naman kaya. Kaya nga nagkakabaun-baon sa utang.

Ngayon ay balitang hindi makabayad ang actor at namomroblema kung saan kukuha ng pambayad.

Maging ang pamilya nito ay nadamay sa ka­ya­ba­ngan at pagbubuhay mayaman. Ngayon ay pare-pareho silang nakakaranas ng paghihirap

HAYDEN, GANDANG-GANDA KAY SARAH

Magiging abala ngayon sa negos­yo si Hayden Kho bilang operations manager ng ZO, ang pinakabagong product line mula kay Dr. Zein Obagi, ang dahilan kung bakit mukhang bata pa rin si Zsa Zsa Padilla.

Ngayong wala nang lisensya sa pagiging doctor, si Hayden ang pi­na­mamahala ni Dra. Vicki Belo sa business side ng ZO at namamahala sa management, advertising, promotion at iba pa.

Pero makakagawa pa rin ng pelikula si Hayden kung saan suporta siya sa isang movie ni Lovi Poe. Tinanong nga namin si Hayden kung sino sa kalipunan ng mga artista ang nagagandahan siya.

‘‘Gandang-ganda ako ay Sarah Lahbati. Ganda ng mukha niya laluna ang kanyang mga mata. Matangkad pa siya. Gusto ko rin si Zsa Zsa at magsisilbi siyang inspirasyon sa akin,’’ ani Hayden.

Ang ZO products ay nagdudulot ng therapeutic treatments at daily skin care solution kung saan mararanasan ng pasyente ang pagkakaroon ng blemish-free skin.

Show comments