Pangarap lumabas sa Bubble Gang :Vice Ganda binira ang network war!

Maganda na ang posisyon niya sa Kapamilya Network pero bakit gusto pa ni Vice Ganda na makalabas sa isang programa ng GMA? Meron ba silang pinagdaraanan ng network?

Matagal na ang network wars, kahit nung ang labanan ay limitado sa Dos at Siete lamang. Ngayon may Singko pa.

Nagpahayag ng pagkadismaya si Vice sa nangyayaring network war. At nag­labas siya ng sentimyento sa kanyang twitter account.

“Sobrang ganda ng idea na lahat ng artista magkakasama sa iisang Christmas station ID at ‘yun ang pinapalabas sa three networks. ‘Yun ang totoong Christmas spirit.

“Masaya lang talaga ‘pag walang dibisyon at diskriminasyon. Masaya sa iisang intensiyon. Ang mapasaya ang mga viewers ng lahat ng istasyon.

“Sino ba kasi nagpauso nyang network war?! Such a stupid idea! Pwede namang masaya lang magkakatrabaho lang ang lahat, di ba? Imbes na masaya sana ang mga viewers na nakikitang magkakasama ang mga paborito nilang artista e nalilimitahan dahil sa dibisyon nyang Kapamilya, Kapuso at Kapatid na ‘yan.  .

“Di ba pwedeng KAPINOY na lang lahat? Could you imagine kung gaano kasaya ang Pinas kung minsan mapanuod nyo si Piolo (Pascual) at Anne Curtis sa Party Pilipinas at si Dingdong (Dantes) at Marian (Rivera) naman sa ASAP?  

“Paano na ang dream ko na lumabas sa Bubble Gang at ma-interview si Joey de Leon sa GGV? Imposible na ba ‘yan dahil sa network war na ‘yan?”

“Ang ganda din sana mapanuod na magkasama si Regine Velasquez at Sarah Geronimo sa TV bukod sa mga concerts,” sunud-sunod na tweets ni Vice.

May punto naman siya. Bakit nga ba kailangang magkaroon ng irinangan ang mga artista ng iba’t ibang channel.

Si Derek Ramsay hindi puwedeng banggitin ang pangalan sa ABS-CBN dahil nasa TV5 na siya. Si Regine nakalagay sa kontrata na bawal lumabas sa kahit anong interview sa ABS-CBN dahil nakalagay ‘yun sa kontrata niya sa GMA 7.

Aljur nananakawan ng eksena ni Benjamin

Kapag hindi nag-ingat si Aljur Abrenica, baka mapatungan pa ang pato niya ni Benjanin Alves sa teleseryeng Coffee Prince. Maganda rin ang role na ipinagkaloob ng Kapuso Network sa bagong aktor nila. At sinasabi maging ng mga fans nina Aljur at Kris Bernal na parang bagay na rin sina Benjamin at Kris at may chemistry sila. Nakowwww, lagot ka, Aljur!

May napansin akong bago kay Aljur. Is it his hairstyle na parang hindi bagay sa kanya. Aba remed­yuhan mo ito agad, Aljur. It seems nabawasan ang kapogian mo nang magbago ka ng ayos ng buhok.

 

Show comments