^

PSN Showbiz

Ogie nakaramdam ng selos kay Robin!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Kaswal ang second presscon ni Regine Velasquez to promote her Silver concert sa Nov. 16 sa SM Mall of Asia Arena. Mabili ang tiket dahil after five years ngayon lang uli magkakaroon ng solo at major concert si Songbird at 25th anniversary celebration pa niya.

Hindi mangyayari na 25 din ang guests sa concert dahil baka abutin ng madaling-araw ang show na two and a half hours lang tatakbo. Big production ito, kaya kinuha ng iMusic Entertainment ang GMA Network bilang co-producer.

May three shows sa GMA 7 si Regine, kaya maipo-promote ng husto ang concert, agaw-pansin din ang poster at balita namin ay gagawa siya ng music video kasama ang isang hunk actor na siguro naman hindi pagseselosan ni Ogie Alcasid.

Napag-usapan ang selosan sa kanila ni Ogie at nakuwento ni Regine na sa naging leading men niya, isa si Robin Padilla sa pinagselosan ni Ogie. Kay Aga Muhlach, hindi nagselos ang mister.

May pinagselosan din si Regine pero hindi nagbanggit ng name. Kinausap niya si Ogie na tigilan ang pagpi-flirt sa girl dahil hindi nito alam na flirting na siya.

Heart babalikan si Geoff

Magtatapos na ang Luna Blanca this Friday at sa episode guide, mamamatay si Luis (Christopher de Leon) dahil sasakmalin ni Diego (Carlos Morales). Babalik sa pagiging maitim si Luna (Bianca King) at magtutulong sila ni Blanca (Heart Evangelista) para talunin si Diego.

Hindi nabanggit sa episode guide kung sina Blanca at Joaquin (Mark Herras) ang magkakatuluyan.

Anyway, ibinalita na ni Heart sa Twitter na may new soap siya after Luna Blanca, ang Forever na iba pala sa Dangal. Sila uli ni Geoff Eigenmann ang magkapareha at late November ang airing nito. So, from Mark, balik kay Geoff ang aktres!

Mariposa, susubukang gawing fresh ni Direk Mark

Hindi sa ratings napi-pressure si Mark Reyes sa pagdidirek ng Paroa, Ang Kuwento Ni Mariposa na eere simula Nov. 5 bago ang Eat Bulaga. Mas pressure siyang palabasing fresh ang fantaserye. Challenge ito sa kanya dahil matagal siyang hindi gumawa ng ganitong genre, the last ay Encantadia pa.

Excited si Direk Mark doing the big scene lalo na ’pag may special effects. Very happy nitong ibinalitang ang Black Burst na part ng Mothership na gumawa ng special/visual effects ng Tiktik: The Aswang Chronicles ang kinuha ng GMA 7 na gumawa ng special effects ng Mariposa.

Papasok si Ruru Madrid sa Mariposa. Important daw ang role ng bagets na produkto ng Protégé: The Battle for the Big Artista Break at siya ang unang magkakaroon ng show.

Inamin na rin ni Direk Mark na lilipat na dapat siya sa TV5 pero nang kausapin ni Jimmy Duavit, hindi siya pinayagan. May financial side raw sa balak niyang paglipat pero tinapatan ng GMA 7 nang pagbibigay sa kanya ng position sa Talent and Development ng GMA Artist Center at guaranteed ang new contract niya.

Derek madalas ka-tweet si Ritz

Nagiging controversial ang Kidlat ni Derek Ramsay dahil sa leading ladies. Nag-aaway ang fans kung sino kina Nadine Samonte at Ritz Azul ang dapat na kapareha ng aktor. Naunang nabalitang si Nadine pero may nagsusulat na si Ritz at sa nabasa naming palitan ng tweet nina Derek at Ritz, sila ang madalas magkaeksena.

May nagkuwento sa amin ng story ng Kidlat at kung paano ang partisipasyon ni Nadine at iginiit ng kausap namin na ang aktres ang totoong leading lady ni Derek.

Mabuti pa hintayin na lang natin ang presscon ng Kidlat produced ng Archangel Entertainment at first directorial job ni Mike Tuviera sa TV5. Isa ang show sa mga rason kung bakit lumipat si Direk Mike. So, this must be really big!

ANG KUWENTO NI MARIPOSA

ARCHANGEL ENTERTAINMENT

ARTIST CENTER

ASWANG CHRONICLES

DEREK

DIREK MARK

KIDLAT

LUNA BLANCA

OGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with