Kamakailan ay napabalitang makakasama si Iza Calzado sa gagawing reunion movie nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo. Ngayon ay hindi na makakasama si Iza sa nasabing proyekto.
“Kasi ang taping nina John Lloyd for A Beautiful Affair ay T-Th, ako naman M-W-F. So, hindi po talaga magsalubong ang aming schedule. Of course, it is their film. The priority is their schedule. Ako naman po ay nakasali lang dun. I would think na lang na siguro this is not meant to be my comeback film for Star Cinema. Maybe it’s something else,” pahayag ni Iza. Matatandaang nakasama ang aktres sa pelikulang Milan nina Piolo Pascual at Claudine Barretto noon kaya excited na sana siyang makagawa ulit ng pelikula sa Star Cinema. Aminado rin si Iza na nakararamdam siya ng panghihinayang sa hindi niya pagkakasali sa bagong pelikula nina John Lloyd at Sarah. “Siyempre, nanghihinayang naman ako. Ang pangit naman sabihin na walang panghihinayang. Siyempre, I was looking forward to working with John Lloyd, Sarah, and everybody else on the set and Direk Cathy (Garcia-Molina) pero marami talagang proyekto na nandiyan na, nawawala pa. And sometimes it’s really for the best,” giit ng dalaga.
Samantala, malaki naman ang pasasalamat ni Iza sa lahat ng walang sawang tumatangkilik sa teleserye niyang Kahit Puso’y Masugatan dahil namamayagpag din ang ratings nito sa Primetime Bida ng Kapamilya Network.
Christian kabado sa Rama Hari
Si Christian Bautista ang magiging leading man ni Karylle sa stage play na Rama Hari na gaganapin sa Cultural Center of the Philippines Main Theater mula Nov. 30 hanggang Dec. 9. Natutuwa si Christian dahil matagal na niyang nakakasama si Karylle sa mga proyekto kaya komportable na sila sa isa’t isa.
“K (Karylle) and I have done so many things together and we know each other. We support each other in everything that we do and for another show like this. For me, ang sarap na katrabaho si K especially on the stage. There’s no other place where we’re more comfortable,” nakangiting pahayag ni Christian.
Kahit sanay na sanay na sa paggawa ng stage play ang binata ay kinakabahan siya ngayon sa bagong proyektong nabanggit. “Medyo kinakabahan, medyo napi-pressure nang konti pero ang nagda-drive sa amin ipakita muli ang kultura ng Pilipino sa ballet, sa musika, sa lyrics na magaling tayo na gusto naming ipakita. Na ’yung Filipino culture, music na ipakita natin na masyado na tayong natatabunan ng ibang foreign acts na we respect and want to watch as well. Pero meron din tayong magandang play na kailangan nating ilabas,” pahayag ni Christian. Reports from JAMES C. CANTOS