A Secret Affair naka-P20m sa unang araw, No Other Woman tinalbugan!
Certified box office ang pelikulang A Secret Affair starring Anne Curtis, Andi Eigenmann and Derek Ramsay na nagsimulang ipalabas sa mga sinehan kahapon.
Ayon sa mga unang balita, umabot sa halos P20 million ang kita nito nang buksan ang pelikula sa mga sinehan.
At in fainess, mas malakas pa raw ito sa naunang ginawa ng Viva Films and Star Cinema na No Other Woman na bida rin sina Anne and Derek.
Kung sabagay, puro papuri ang tinatanggap ng pelikula sa kasalukuyan. Kahapon ay trending din sila sa Twitter.
At isa sa mga unang nag-imbitang manood ay si Kris Aquino na suportado si Anne at nanood pa ng premiere night last Sunday.
Si Georgina Wilson na kaibigan din ni Anne ay maagang nag-predict na kikita ito.
“I’m such a fan of A Secret Affair (the movie). So modern and so well edited. Andi was such a revelation and proved her range!,” sabi naman ni Raymond Gutierrez.
Philippine Star’s Phillip Cu-Unijeng wrote: “Viva Films’ A Secret Affair is well-measured for box-office success. A treatise on modern love, relationships, fidelity, lying (even if by omission), and the consequences thereof, it stars Anne Curtis, Derek Ramsay and Andi Eigenmann. The cast guarantees that we’ll be dealing with wonderful physical specimens on display — plying the life, scruples and morals of the rich and restless of contemporary Manila society….In a way, this is the glory drama days of Viva Films brought back to life, with a modern twist.”
Graded B din ng Cinema Evaluation Board ang movie.
Advantage nila ang playdate dahil semestral break ang mga estudyante.
Si Nuel Naval ang nagdirek ng movie.
Back to normal ang buhay!
Balik na sa normal ang buhay ni Zsa Zsa Padilla. Wala na siyang inaalalang sakit pero tuloy ang pagluluksa niya sa pagkawala ng Comedy King Dolphy.
Kahapon ay nagkaroon na siya ng launching bilang endorser ng ZO Skin Health kung saan ang Operations Manager ay si Hayden Kho. Yup, ang controversial na si Hayden.
Ang ZO ang sinasabing sekreto ng divine diva kung bakit madaling naka-recover ang kanyang skin matapos ang matagal na pag-aalaga hanggang sa mawala ang minamahal niyang si Dolphy. “At 48 years old, I’ve been through so much. I looked in the mirror one day and saw that my face was sagging. It was time to give it a lift, to try not just ordinary skin care products. I was so happy to have found and used products that the authority in skin health for 35 years formulated,” sabi niya sa launching ng ZO kahapon.
Nakilala ni Zsa Zsa kamakailan ang creator ng ZO Skin Health and Medical Systems na si Dr. Zein Obagi at nalaman nito ang kanyang kalagayan. “He knew about my condition. He gave me a note. ‘You will win your health back. I will win for your skin again and your beauty.’ It was very inspiring,” kuwento ng singer.
Matagal-tagal din ang pinagdaanan ni Zsa Zsa – halos wala siyang tulog, irregular eating pattern, depression, walang exercise, hormonal changes, kailangan niya pang magtrabaho at puro iyak.
Pero sa hitsura niya kahapon, wala nang bakas ng kalungkutan sa mukha niya.
Jennylyn kinarir ang pag-iyak
Ngayong Biyernes (October 26), magwawakas ng afternoon drama na Hindi Ka Na Mag-Iisa ng GMA 7.
Pagkatapos ng 16-week run ng serye, masayang-masaya ang buong cast sa pangunguna ni Jennylyn Mercado sa naging experience nila sa naturang show. Ayon kay Jennylyn, ang hindi niya makakalimutang experience ay ang nabuong samahan sa set, “siyempre ang hinding hindi ko makakalimutan yung mga katrabaho ko at staff ng show. Para kaming pamliya sa set.”
Maliban sa masayang experience, naging isang challenge rin kay Jennylyn ang kanyang role bilang Elisa. “Isa sa mga challenging experiences ko ay ‘yung pag-iyak. Kasi malalim talaga ‘yung character ko at heavy ang mga crying scenes namin,” kwento ni Jennylyn.
Sa huling araw ng Hindi Ka Na Mag-Iisa, pagbabayaran ni Celine (Saab Magalona) ang mga kasalan niya sa kulungan. Mababasa rin niya ang sulat na binigay ng kanyang ina na si Jordana (Angelu De Leon).
Samantala, makalipas ang ilang araw na pananatili ni Elisa (Jennylyn) sa ospital dahil sa pag pagkakasaksak ni Jordana hindi pa rin ito kinakakitaan ng improvement. At isang araw dadalaw sina Maita (Glydel Mercado) at Angelica (Krystal Reyes) sa sementeryo, tila may kinakausap ang mga ito. Magugulat na lang ang mga ito nang biglang dumating si Elisa. Nakaligtas ito at kasamang dumadalaw sa puntod ni Mark. Masaya ang mag-iina dahil sa wakas ay buo na sila ngunit parang may kulang pa rin sa buhay ni Elisa - si Andrew (Sid Lucero).
Ngayong buo, tahimik at masaya na ang pamilya ni Elisa, magkikita pa kaya sila ni Andrew? O tuluyan ng mapuputol ang kanilang pagmamahalan?
- Latest