May mga tao na ayaw maniwala na may dyslexia si Regine Velasquez. Isang learning disability ang dyslexia. Hirap sa pagbabasa at spelling ang mga tao na dyslexic. May problema rin sila sa pagtingin sa mga letra at numero.
May mga violent reaction nang sabihin ni Regine na nalaman nito ang pagiging dyslexic nang mapanood niya at talakayin ang dyslexia sa isang episode ng show ni Oprah Winfrey.
Hindi nabanggit ni Regine kung kumunsulta siya sa doktor pero kung ano ang nararanasan niya noon at ngayon, ganoon din ang symptoms ng dyslexia.
Knowing Regine, may sagot ito sa mga kumukuwestiyon sa kanyang revelation pero mas mainam na mag-concentrate na lang siya sa promo ng kanyang anniversary concert, ang Silver na itatanghal sa The Arena sa November 16. Sa mga nagdududa, panoorin ninyo na lang ang silver anniversary show ni Regine dahil siguradong mag-e-enjoy pa kayo.
Gusto sana ni Regine na imbitahan sa Silver sina Gary Valenciano at Martin Nievera dahil naging bahagi ang dalawa ng kanyang singing career.
Ang kaso, hindi available sina Martin at Gary sa November 16 dahil may mga previous commitment na sila. Hindi naman na-disappoint si Regine. Naintindihan niya ang sitwasyon. Dahil hindi puwede sina Martin at Gary, inimbitahan ni Regine si Janno Gibbs at siyempre, ang love of her life, si Ogie Alcasid na pumayag agad.
Special guest din sa Silver si Lani Misalucha na excited dahil after eight long years, mararanasan niya uli na mag-Pasko sa Pilipinas.
Ang bilis talaga ng araw, sino ang mag-aakala na eight years na pala ang nakalilipas mula nang mag-decide si Lani na mag-migrate sa Amerika at subukan dito ang kanyang kapalaran?
Dalawang big event ang pinaghahandaan ni Regine sa susunod na buwan, ang concert niya sa The Arena at ang 1st birthday ni Baby Nate, ang panganay nila ni Ogie.
Ipagdiriwang ni Nate ang unang kaarawan sa November 8. Personal na inaasikaso nina Regine at Ogie ang birthday party ng kanilang anak na idaraos sa isang venue na hindi pa puwedeng isulat at sabihin.
Bilib na bilib si Ogie sa kanyang misis dahil isa itong mabuting asawa at ina. Alagang-alaga ni Regine ang kanyang mag-ama. Malaki ang chance na magkaroon si Nate ng special participation sa anniversary concert ng kanyang mother dear.
Condo ni MVP sa Hong Kong bonggang-bongga
Bilib na ako kay Jo-ann Maglipon ng YES! Magazine dahil napapayag nila si Papa Manny Pangilinan na i-share sa readers ang sosyal na condominium unit niya sa Hong Kong.
Ang ganda-ganda ng unit ni Papa Manny na overlooking lang naman sa Victoria Harbour ng Hong Kong dahil good feng shui ito.
Kung ako ang may ganoong klase ng unit sa Hong Kong, tatamarin na ako na lumabas ng bahay. Maghapon ko na lang pagmamasdan ang Victoria Harbour at ang buong city ng Hong Kong.
Naalaala ko tuloy ang sosyal na condo unit ni Dra. Vicki Belo sa Paris na tinirhan namin ng mga kasama ko noong February 2011. Hindi overlooking sa dagat ang condo unit ni Mama Vicki pero kalapit na kalapit ito ng presidential palace kaya hindi nawawalan ng mga pulis at media sa lugar na aming tinuluyan. Kailan kayo ako maiimbitahan ni Papa Manny sa kanyang condo unit sa Hong Kong?