MANILA, Philippines - Hindi pala nagtatagal ang mga waiter sa isang events place na pag-aari ng isang TV host. Ang rason hindi raw ma-stomach ng mga empleyado ang ugali ng kanilang among sikat.
Hands on daw kasi ang nasabing amo na ultimo pambili ng sibuyas at bawang ay nanggagaling sa may-ari.
Samantalang ang mga waiter daw ay contractual lang, hanggang limang buwan lang ang kontrata. Pero bago pa man daw umabot ng limang buwan, nagsisilayasan na ang mga pobreng namamasukan dahil sa among ubod ng sama ng ugali ayon sa source.
Meron naman daw manager ang nasabing restaurant pero hindi rin nakatagal sa ugali ng kanyang amo kaya ayun, nag-resign na rin.
Kilalang mabait ang nasabing tumayong manager sa nasabing events place dahil nagta-trabaho rin ito sa ilang mga sikat na personalities bilang accountant. Pero tulad ng kanyang mga tauhan sana, hindi rin kinaya ang amo.
Kung makasigaw daw kasi ang amo, parang hindi tao ang mga kaharap niya.
Ang sabi raw nang nag-resign na manager ng event place: “mabait siyang kaibigan, pero hindi siya mabait na amo.”
Oh oh. Ang daling hulaan.
Matapos pumatok ang Tiktik, Dingdong nag-iisip na ng bagong ipo-produce!
Nagdiriwang si Dingdong Dantes sa tagumpay ng Tiktik : The Aswang Chronicles. Certified box office nga naman ang pelikula nila na isa siya sa mga producer.
Pinilahan ng marami kaya aabot na sa halos P100 million ang kinita nito simula nang magbukas sa mga sinehan last Wednesday.
Aliw na aliw ang mga bata sa mga aswang at sa special effects na first time napanood sa local film.
Kaya naman kahapon ay nagkaroon sila ng thangiving mass na ang GMA Films na ang nagpatawag.
Nag-iisip na si Dingdong nang susunod na gagawing pelikula.
Anne at Karylle nagpasikat, lumambitin at nakipaglaro sa apoy
Kumain ng tamilok at kuliglig, nag-fire dancing, lumambitin sa isang nakalawit na hoola hoop, at nag-synchronized swimming ang It’s Showtime hosts na sina Anne Curtis at Karylle para sa taunang talent showdown ng hosts sa Kapamilya noontime show noong Lunes (Oct 22).
Naging sirkero ang magkapareha para sa ikatlong anibersaryo ng programa na dinoble pa ang excitement dahil para sa taong ito, magkakapares o grupo ang magpapasiklaban para sa premyong P100,000 para sa kanilang napiling charity.
Kahapon naman (Oct 23), nang-aliw ang magka-partner na sina Jugs Jugueta at Teddy Corpuz sa isang mala-karaoke at makulay na sing and dance number tampok ang sikat na kantang Oppa Gangnam Style, at sina Cristine Reyes, Bugoy Cariño, at ang Sexbomb Girls.
Lalabanan ng dalawang tandem ang kapwa hosts na sina Vhong Navarro at Billy Crawford, Vice Ganda at Jhong Hilario, Kuya Kim Atienza at Ryan Bang, at ang team nina Coleen Garcia, Eric ‘Eruption’ Tai, at Baby Joy na magpe-perform din sa linggong ito. Anu-anong pasabog kaya ang kanilang ihahain sa madlang people?
Muli namang nasilayan ng madlang people ang nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano na nagbabalik-Kapamilya bilang isa sa mga hurado sa pasiklaban week kasama sina Jericho Rosales, Eula Valdez, at ang talent managers na sina Alfie Lorenzo at Cornelia Lee o Tita Angge.
Mamarkahan din ng naturang talent showdown sa It’s Showtime ang pagsisimula ng bagong season na mas sisiksik pa sa mga bagong pakulo at sorpresa para sa solid Showtimers.
Bago pa man ang pasikatan ng hosts ay itinanghal nang kampeon ang Gollayan family ng Santiago, Isabela noong Sabado (Oct 20) sa Bida Kapamilya grand finals laban sa walong pamilya dahil sa kanilang makapanindig-balahibog performance ng classic at modern pop songs. Wagi ng P1 milyon ang mag-anak matapos makakuha ng standing ovation sa mga hurado at madlang people para sa kanilang mala-concert na song and dance performance.
Talagang tinutukan ang pasiklaban ng mga pamilyang Pilipino dahil pumalo ng national TV rating na 16.4% base sa datos ng Kantar Media.
Huwag palampasin ang ‘pasikatan for a cause’ ng ‘unkabogable’ barkada ng It’s Showtime Lunes hanggang Sabado, 11:30 a.m. sa ABS-CBN.