Pagkatapos ng halos isang taong pagkamatay ni Ramgen Revilla Janelle Manahan sasalang na sa witness stand sa korte

PIK: Nag-trending ang live guesting ni Lorna Tolentino sa Startalk nung kamakalawa ng hapon na kung saan sinilebreyt nito ang 17th anniversary ng naturang showbiz-oriented talk show.

Gustung-gusto pala ng followers at fans nito na bumalik siya sa Startalk dahil isa na siyang Kapuso artist.

Type rin naman ni Lorna pero ayaw lang niyang makipagtsismisan. Okay lang na bigyan siya ng segment ng mga seryosong topic na walang halong tsismis at intrigahan.

Isa kaya ito sa mga pagbabago sa Startalk ngayong mag-e-18 years na ito?

PAK: Totoo kayang pinursigi ng producer ng concert ni Ate Gay na ituloy ito dahil sa irita nito kay Vice Ganda?

Matagal na itong pinag-usapan kaya tuluy-tuloy na ang concert ni Ate Gay na gaganapin pa sa SM-Mall of Asia Arena sa Nov. 30.

Iniiwasan naman ito ni Ate Gay na pag-usapan pa. Ayaw na niyang sagutin ang mga intrigang may kinalaman kay Vice Ganda.

Iniiwasan niyang pagbintangang ginagamit pa ang sikat na gay comedian para ma-promote lang ang concert niya.

Mas type pa niyang gamitin ang idol niyang si Nora Aunor na nangakong magi-guest ito sa kanyang pinakamalaking concert.

BOOM: Bukas ay isasalang na pala si Janelle Manahan sa witness stand sa murder case kay Ramgen Revilla.

Ayon kay Janelle, pawang katotohanan lang ang sasabihin niya dahil siya lamang ang saksi sa karumal-dumal na krimeng iyon.

Hiling din ng ina ni Ramgen na si Genelyn Magsaysay na totoo lang ang sasabihin ni Janelle dahil wala naman talagang kinalaman ang kanyang mga anak.

Mag-iisang taon nang patay si Ramgen at tahimik lang itong gugunitain ni Janelle dahil alam niyang mahihirapan lang siyang makapunta sa puntod ni Ramgen dahil nandun ang pamilya nito.                                                                          

Show comments