Ara nag-react lang sa pagiging bipolar ni Cristine

SEEN: May live at special coverage kahapon ang dzMM sa canonization sa Rome, Italy ni Blessed Pedro Calungsod, ang pangalawang Filipino saint.

SCENE: May tribute si Regine Velasquez sa kanyang ama sa silver anniversary concert niya sa The Arena sa Nov. 16. Malaki ang kinalaman ni Mang Gerry sa tagumpay ng singing career ng kanyang anak.

SEEN: Live na kinanta nina Jillian Ward at Jonalyn Viray sa Party Pilipinas ang Natutulog Ba ang Diyos, ang theme song ng Cielo de Angelina. May future si Jillian sa pagkanta at puwede niyang sundan ang mga yapak ni Aiza Seguerra.

SCENE: Ang clarification ni Ara Mina na hindi niya ginagamit si Cristine Reyes sa publicity ng Yesterday’s Bride. Sinagot lamang ni Ara ang mga tanong ng mga reporter tungkol sa feud nila ng kanyang kapatid.

Sinagot ni Ara ang isyu nang pagiging bipolar ni Cristine. 

SEEN: Magkaiba ang sinasabi ng magkapatid na Aljur at Vin Abrenica. Si Vin ang source ng balita na hiwalay na ang kanilang mga magulang na idinenay ni Aljur na nagsabi na may tampuhan lang ang kanilang ina at ama.

SEEN: Nakita si Sef Cadayona sa Trinoma Mall sa Quezon City noong Sabado. Bumibili ang Kapuso talent ng mga T-shirt sa Zara.

Show comments