^

PSN Showbiz

Ara nagsalita na, parang ang kapatid na ang bumubuhay sa buong pamilya: Cristine grabeng manumbat!

TAKE IT TAKE IT! - Pilipino Star Ngayon

Naungkat uli ang malalim na alitan ng magkapatid na Cris­tine Reyes at Ara Mina dahil nainterbyu ito ng mga reporter sa presscon ng Yesterday’s Bride ng GMA 7.

Guest namin kahapon si Ara sa Startalk at kinumpirma niya na hindi pa sila magkasundo ni Cristine.

Ikinuwento ni Ara na ang kanilang kapatid na lalaki ang bagong kaaway ni Cristine at nag-ugat ito sa emote ni Cristine sa Facebook account nito.

Ang sabi ni Ara, grabe kung manumbat si Cristine dahil parang ito raw ang bumubuhay sa kanilang pamilya.

Napaluha uli si Ara nang maalaala nito ang mga pagtatanggol niya noon kay Cristine. Naaawa raw siya sa kanyang kapatid dahil sa attitude nito. Gusto ni Ara na ma-realize ni Cristine na mas mahalaga ang pamilya. Malakas ang kutob ni Ara na may bad influence sa paligid ni Cristine.

Nagpasalamat si Ara kay Rayver Cruz, ang boyfriend ni Cristine. Alam daw ni Rayver ang buong sitwasyon pero hindi niya iniiwanan si Cristine.

Ipinagdiinan ni Ara na walang katotohanan ang intriga na naiinggit siya sa takbo ngayon ng career ni Cristine. Hinding-hindi raw siya puwedeng mainggit dahil napagdaanan na niya noon ang mga nangyayari sa career ng kanyang kapatid.

Ipinagtapat ni Ara na pera ang pinag-awayan ni Cristine at ng kanilang kapatid na lalaki. Muntik nang sugurin si Cristine ng kanilang kapatid pero naawat lamang ito.

Nasa korte pa rin ang kaso na isinampa ni Ara laban kay Cristine. Tuloy ang kanyang demanda.

Si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses ang boyfriend ngayon ni Ara na nag-dialogue na handa na siya na mag-settle down.

Ready na si Ara sa buhay may-asawa at handa na rin siya na maging ina. Willing siya na iwanan ang showbiz, alang-alang sa kanilang relasyon at cue ito para kay Mayor Patrick.

Ayaw nang mag-comment ni Ara tungkol kay Aiko Melendez, ang ex-girlfriend ni Mayor Patrick. Labas siya sa problema ng dalawa dahil hindi pa niya boyfriend si Patrick nang mangyari ang problema nito kay Aiko. Magdasal na lang ang message ni Ara para kay Aiko.

LT nag-trending nang balikan ang Startalk

Balik-Startalk kahapon si Lorna Tolentino dahil siya ang special guest namin sa 17th anniversary ng aming show.

Halos apat at kalahating taon na ang nakararaan mula nang magpaalam si Lorna sa Startalk. Nag-absent muna siya noon para alagaan si Rudy Fernandez sa ospital pero hindi na siya bumalik sa aming show nang sumakabilang-buhay ang kanyang asawa.

Na-miss ni Lorna ang weekly stint niya noon sa Startalk at na-miss din siya ng aming staff. Maliban sa bagong set ng aming show, halos walang nagbago dahil ang dating mga kasamahan sa trabaho ang nakita ni LT sa studio.

Bumalik si LT sa Startalk dahil Kapuso star na uli siya. Isang primetime show ang unang project niya na pagsasamahan nila ni­na Dingdong Dan­tes at Kylie Padilla.

Nagpapasalamat si LT sa lahat ng kanyang mga supporter dahil trending worldwide kahapon sa Twitter ang Startalk guesting niya.

 

 

AIKO

AIKO MELENDEZ

ARA

ARA MINA

CRISTINE

DAHIL

MAYOR PATRICK

NIYA

SIYA

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with