Parang kaabang-abang ‘yung nakita kong trailer ng isang teleserye nina Matteo Guidicelli at Jessy Mendiola. Trailer pa lamang nakakakilig na. Paano pa kung buong istorya na?
Mukhang mapi-pressure si Matteo na galingan ang kanyang sarili. Si Jessy kasi, may pruweba na. Nagkaroon na ito ng launching project sa Sabel samantalang bukod sa pinagbidahan nilang movie ni Maja Salvador, wala pang solidong proyekto si Matteo.
Jacky Woo maraming proyekto sa ‘pinas
Paano mo nga naman hindi mamahalin at pararangalan ang Japanese actor/producer na si Jacky Woo kung ganyang maraming proyekto siyang ginagawa sa Pilipinas na pinakikinabangan ng marami nating kababayang walang trabaho. Bukod sa paggawa ng mga proyekto sa pelikula at telebisyon, nakapagpagawa rin siya ng isang paaralan sa Nueva Ecija na nabisita niya nang magkaroon ng location shoot doon ang isang indie film na ginawa niya with Adolf Alix. Jr. Meron pa siyang ibang indie film na gagawin.
Balitang tuwang-tuwa ang mga Novo Ecijano na makita siyang muli, lalo’t may mga dala siyang school supplies para sa paaralan na ipinatayo niya.
Ngayon n’yo sabihin na nagkamali ako ng pagpili sa kanya para malagay sa Walk of Fame Philippines.