MANILA, Philippines - Hihimayin ni Ted Failon ang naganap na pagtagas sa minahan ng PHILEX Mining Corporation kasabay ng kanyang pagbusisi sa peligro ng kontaminasyon mula sa insidente ngayong Sabado (Oct 13) sa Failon Ngayon.
Kamakailan, sinuspindi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang PHILEX dahil naman sa paglabag nito sa Mining Act.
Ito ay dahil sa tumagas na mine tailings mula sa minahan ng PHILEX sa Padcal, Tuba, Benguet na humalo sa ilog ng Balog na dumaloy papuntang San Roque Dam.
Ayon kay Itogon Mayor Oscar Camantiles, umabot sa 34 na pamilya ang lubhang naapektuhan ng nangyaring tailings spill at nadamay din ang mga sitio ng Pagbasan, Pao, at Daynet.
Bukod sa pag-iimbestiga ni Ted sa PHILEX ay bubuweltahan niya rin ang mga pasaway na minahan na bagamat suspendido na ay patuloy pa rin sa pagmimina.
Ang peligro ng kontaminasyon mula sa tagas ng minahan at pagkasira ng kalikasan dahil sa pagmimina, hihimayin at ipaliliwanag ni Ted sa Failon Ngayon ngayong Sabado (Oct 13), 4:45 PM sa ABS-CBN. ang inyong mga opinyon gamit ang hashtage na #FailonNgayon.