MANILA, Philippines - Simula ngayong Lunes, October 15, mapapanood sa GMA ang ika-apat at pinaka-huling episode ng ikalawang Kapuso Mine Sine na pinamagatang Gustin.
Hango sa tunay na buhay, ang Gustin ay kuwento ng dalawang lalaking hindi inaasahang makatagpo ng isang bag na naglalaman ng malaking halaga ng pera. Nagpasya ang isa sa mga bata na si Gustin (Denzel Guiao) na isauli ang bag sa Barangay Captain (Pen Medina). Ibinalik naman ng Bgry. Captain kay Gustin ang bag upang siya na mismo ang magdesisyon tungkol dito.
Sa kaniyang pagpapasiya, mangibabaw kayang muli ang kabutihan sa puso ni Gustin, o manaig kaya ang katotohanan na kinakailangan din ng pera ng kanyang pamilya?
Alamin ang kasagutan ngayong linggo sa huling yugto ng espesyal na pagtatangghal na ito ng GMA Marketing and Productions, Inc., na siya ring nasa likod ng Busan International Advertising Awards-winning Christmas short film na Hating Kapatid.
Mapapanood ang Kapuso Mine Sine Lunes hanggang Biyernes tuwing commercial break ng Kusina Master, Sana ay Ikaw na Nga at Aso ni San Roque. Ipapalabas din ito sa GMA News TV sa News to Go, Balitanghali, I JUANder, Tonight with Arnold Clavio, Fashbook, May Tamang Balita at Weekend Getaway.
Samantala, ipapalabas ang isang 10-minute extended director’s cut ng Gustin, at isang follow up report sa bata na naging inspirasyon para sa kwento nito sa Sunday Night Box Office ng GMA. Mapapanood din ang unang tatlong episode sa YouTube channel ng GMPI sa www.youtube.com/user/GMAminisine.