Dalangin ko na mapagdaanan ng maayos ni Rachelle Ann Go ang problema niya sa kanyang boses. Hindi naman siya ang kauna-unahang singer at maski na non-singer ang nagkaproblema sa boses, na gumagaling din sa kalaunan.
Kailangan lamang ay tatag ng loob at tibay ng paniniwala sa Panginoon para mapagdaanan niya ang problema niya sa ngayon.
Relasyon nina Sen. Chiz at Heart hindi puwedeng maging normal
Anuman ang gawin ni Heart Evangelista, hinding-hindi maaaring maging pribado ang relasyon nila ni Sen. Chiz Escudero. Unang-una na pareho silang public figure, parehong maraming tagasubaybay, maiiwasan ba nilang hindi magbukas ng kanilang mga pinto sa interes ng marami?
Pero puwede nilang malimita ang kanilang mga sarili sa panghihimasok ng marami lang talagang pangangatawanan nila ang kanilang privacy. Tama lamang ’yung ginagawa ni Heart na hindi paglalantad ng kanyang sarili ng buung-buo sa publiko. Tama na ’yung ginawang pag-amin ng nobyo niya. Huwag na nilang sundan pa. Puwede naman silang hindi mag-comment kapag natatanong tungkol sa relasyon nila.
Aljur malapit nang kumpetensiyahin ng kapatid
Kapag sinuwerte ang kapatid ni Aljur Abrenica sa Artista Academy ay malaki ang pagkakataon niyang makilala bilang artista at baka maunahan pa ng kasikatan niya ang Kapuso actor. Pero sa ngayon, wala pang kasiguruhan kung sino talaga ang mananalo sa artista search ng TV5 na bukod sa puwedeng sumikat ay maaari pang manalo ng Pl0M?