^

PSN Showbiz

Panalo at tagumpay pag-uusapan sa Life and Style

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Walang ipinanganak na talunan.  Lahat tayo’y may pag-asang marating ang pangarap na paroroonan basta’t nasa puso natin ang pag-asa, pagsisikap, at pagtitiyaga.

Sa Life and Style with Ricky Reyes ngayong Sabado alas-dyes hanggang alas onse ng umaga sa GMA News TV ay itatampok ang mga kuwentong punumpuno ng inspirasyon.  Ang makakasama ni Mader Ricky ay mga taong nakalikha ng pangalan at dapat maging inspirasyon.

Una tayong dadalhin sa Braun Philippines kung saan ipakikita ang mga produkto sa pagpapaganda, paglunas at panga­ngalaga ng buhok.  Kung dati’y shampoo at conditioner lang ay tama na, dikta ng makabagong panahon ngayo’y ang makabago ring beauty aids.

May interbyu naman sa dalawang popular na residente ng Puerto Princesa, Palawan. Una’y si Commodore Ricky Her­nandez na ang malapalasyo, kakaiba at mala-work of art na bahay ay dinarayo ng mga turista.  Ikalawa’y ang transgender na si Michelle Montecarlo na lilipad patungong Pattaya, Thailand upang lumahok sa Miss International Queen 2012.

Dumalo ang LSWRR crew sa tree planting sa Norzaga­ray, Bulacan na ginanap bilang parangal sa mga guro sa pagtutulungan ng Smart Philippines at Department of Education. 

Due to viewers’ demand ay ibabalik ang Make Over Magic na mismong ang beauty guru ang nagdedemo ng mga napapanahon at panalong ayos ng buhok at make up at kapag suki ka ng Life and Style, panalo ka.  

BRAUN PHILIPPINES

COMMODORE RICKY HER

DEPARTMENT OF EDUCATION

LIFE AND STYLE

MADER RICKY

MAKE OVER MAGIC

MICHELLE MONTECARLO

MISS INTERNATIONAL QUEEN

PUERTO PRINCESA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with