Dalawang beses this week haharap sa press si Dingdong Dantes para sa general presscon ng Tiktik: The Aswang Chronicles na showing sa Oct. 27. Ang isa ay ang launching niya bilang endorser ng Belo for Men, ang whitening soap for men.
Asahang ang tungkol sa isyu sa kanila ni Isabelle Daza ang uuriratin ng press. Sana matanong din si Dingdong sa pagiging co-producer niya ng Tiktik, sayang at bawal sabihin kung magkano ang share niya sa big production cost ng horror flick at kinailangang lima ang magsosyo para magawa at matapos.
Bilang baguhang producer, one movie a year muna ang ipoprodyus niya. Kaya dapat tamang project ang pipiliin. Kung masusunod ang gusto, type niyang magprodyus ng hard action, hindi malinaw kung the same project na napag-usapan nila ng GMA Films kasama pa rin sina Dondon Monteverde at Direk Erik Matti.
Samantala, sa Oct. 12, ang last schedule ng comic book signing ng Tiktik sa National Book Store sa Trinoma, 5:30pm. Sa Oct. 15, ang premiere night sa SM Megamall at excited na ang marami na mapanood ang movie showing on Oct. 17.
Heart naka-quota na sa GMA 7
Ini-announce ni Heart Evangelista sa Twitter na may kasunod na siyang soap after Luna Blanca, kaya happy siya at nasusunod ang gustong magtrabaho lang. Kasama rin siya sa Sosy Problem, entry ng GMA Films sa Metro Manila Film Festival (MMFF) at mabuti’t may time pa sa date nila ng boyfriend. Hindi na meetings, umamin na si Sen. Chiz Escudero.
On the other hand, quota na si Heart ng soap this year, pangatlo na niya ang Luna Blanca, kaya ayos lang sa kanya kung next year na uli siya bibigyan ng soap ng GMA 7.
Kundi nabago ang schedule, last taping day ng Luna Blanca sa Oct. 18 at sa Oct. 27, lilipad si Heart with some friends for a short vacation sa France. Pagbalik niya sa Nov. 5, saka tatapusin ang natitirang eksena sa Sosy Problem.
Samantala sa Luna Blanca mamaya, tinanggap na ni Blanca (Heart) ang marriage proposal ni Joaquin (Mark Herras) pero may panibagong problema ang dalawa. Buntis si Luna (Bianca) at dini-demand na panagutan siya ni Joaquin.
Direk Wenn nalaswaan sa bed scene nina Luis at Vice
Kahit sure winner na sa box-office, nagmo-mall tour pa rin ang cast ng This Guy’s in Love with You Mare. Para siguro madagdagan ang P500 million target gross ni Direk Wenn Deramas.
Sa Oct. 10 ang showing ng This Guy’s in Love with You Mare na first time nag-swimsuit si Toni Gonzaga at may pasabog na bed scene sina Vice Ganda at Luis Manzano. Nalaswaan si Direk Wenn at siya raw ang na-offend. Biro naman ni Luis, umiyak siya after kunan ang nasabing eksena.
After This Guy’s in Love with You Mare, si Vice Ganda pa rin ang artista ni Direk Wenn at ito’y sa Sisteraka na entry sa MMFF. Dahil pumayag na si Kris Aquino na gawin ang pelikula, mas doble ang saya. Kaya lang, parang nabanggit ng TV host-actress na hindi niya feel ang title ng movie nila ni Vice pero bawal yatang magpalit ng title ayon sa rules ng MMFF.
TGIS pang-Sunday pala
May pino-post sa Twitter si Direk Mark Reyes na 11-11 na ang intindi namin ay pilot nang nagbabalik na TGIS. Sa calendar ay Sunday ang Nov. 11. Ibig kayang sabihin, tama ang tsikang Sunday at hindi Saturday ang time slot ng TGIS at ang magiging title na nito ay Thank God It’s Sunday?
Sa Twitter din namin nalamang may shortlist na ng bubuo ng cast ng TGIS na si Derrick Monasterio lang ang datihan and the rest ay newcomers. Baka nga mapasama ang ilang taga-Protégé dahil baguhan sila.