Para namang nakahinga ako nang maluwag nang dumating ako sa desisyon na huwag lumahok sa pulitika. Bukod kasi sa napakalaking responsibilidad ang hahawakan ko, ayaw ko namang i-second pripority ang showbiz na siya ko nang pinagkatandaan. Kung totoo man na may pera sa pulitika na sinang-ayunan ng friend kong si Veronica Samio, naniniwala rin siya na pati ang perang inipon ko mula sa maraming taong pagpapagod sa showbiz ay baka mabahiran pa ng dumi at sabihing kinita sa masama. Kaya okay na lang kung sino ang manalo sa Kyusi. Kung si Bistek (Herbert Bautista) muli ito, binabati ko siya. O maski na ang sinumang uupo sa puwesto niya, susuporta na lang ako.
At sana pagkatapos ng susunod na eleksiyon ay mabigyan katuparan na ang matagal ko nang pinapangarap na City of Stars. Sana.
Balitang ang basketbolistang si Robert Jaworski ang lalaban kay Bistek. Good luck na lang sa kanila.
Marian nagagamit ni Isabelle Daza?!
Bakit ba ang dami-daming nakikisali sa isyu nina Dingdong Dantes, Marian Rivera at Isabelle Daza? Feeling ko nga, marami ang boto kay Isabelle para kay Dingdong kahit wala namang ligawan na nagaganap sa dalawa. Kaya kahit magtengang kawali si Marian, maaapektuhan at maaapektuhan siya ng mga bali-balita. Paano kung sumabog siya, eh ‘di away na naman?
It’s unwise para sa mag-boyfriend na ma-involve sa ganitong isyu. Hindi ito makakatulong sa career nila. Si Dingdong I’m sure ay isusumpa ng marami kapag nakipaghiwalay kay Marian.