Nagpatayo rin ng eskuwelahan

Jacky Woo walang tigilsa paggawa ng pelikula

 MANILA, Philippines - Balik-‘Pinas ang Japanese actor na si Jacky Woo para tapusin ang ilang mahahalagang eksena sa pelikulang Death March na siya rin ang producer at dinidirek ni Adolf Alix, Jr. Sa malayong lugar ng Papaya, Nueva Ecija kinunan ang mga exterior shots kasama ang ilang artista ng ABS-CBN.

Malapit sa puso ni Jacky ang Papaya dahil doon siya nagpatayo ng isang paaralan para sa mga batang hindi makarating sa malayong lugar na may paaralan. Kaya dumalaw si Jacky sa mga batang nag-aaral sa ipinatayo niyang eskuwelahan. At tuwing pupunta siya, may dala siyang iba’t ibang regalo gaya ng mga damit at iba pang magagamit ng mga bata sa pag-aaral.

Tuwang-tuwa naman ang mga ito pati na ang kanilang teachers. Hindi nila sukat akalain na maalala pa sila ni Jacky. Akala nila pagkatapos magawa ang mga silid-aralan ay tapos na ang misyon ng Japanese producer/director/actor. Hindi nila alam, lagi silang kinukumusta ni Jacky at kung maayos ang kalagayan nila sa eskuwela.

Hindi ko nga rin maisip kung bakit napamahal kay Jacky ang Pilipinas at panay ang pamumuhunan niya rito lalo na sa pelikulang Pilipino. Hindi pa man natatapos ang isang project ay may binubuo na naman siya. Ganun ka-busy si Jacky dito kahit alam namin na busy din siya sa mga negosyo niya sa Japan at ang pagiging artista niya roon bukod sa pagiging radio host sa Yokohama station once a week.

Sa pagbabalik niya sa Pilipinas ay naging busy naman siya sa shooting ng indie film para sa anniversary presentation ng Bubble Gang. Napakaganda ng mga eksena ni Jacky sa nasabing proyekto kung saan si Sam Pinto at Ogie Alcasid ang kaeksena niya. Ngayon pa lang ay excited na kami sa mga eksenang iyon na dinirek ni Dante “Ga” Garcia. Binonggahan talaga ni Direk Ga ang mga eksena huh! Gusto yatang magpa-impress sa Japanese actor/producer. 

Bago lisanin ni Jacky ang Pilipinas ay nakipag-meeting muna ito kay Atty. Joji Alonzo. Kinukuha kasi ng lawyer-producer si Jacky sa isang project for Cinemalaya. Nagustuhan naman ni Jacky ang project at malugod niya itong tinanggap. Matagal pa naman sisimulan ang shooting pero nga­yon pa lang ay pinaghahandaan na nila ito. 

End of November ay pupunta si Jacky sa New York City para dumalo sa International Film Festival Manhattan kung saan kalahok ang pelikula niyang Haruo. Kasama niya ang direktor na si Adolf. Malamang wala siya rito sa screening ng Ride to Love na prinodyus niya with Regal Entertainment, Inc.                                                  

Show comments