^

PSN Showbiz

Walang bayad Zac Efron, nag-promote ng 'Pinas sa show ni Ellen DeGeneres!

SEEN SCENE - The Philippine Star

SEEN: Malaking tulong sa Philippine tourism industry ang good words ni Zac Efron tungkol sa ating bansa sa recent guesting niya sa talk show ni Ellen DeGeneres.

Maraming turista ang naengganyo na bisitahin ang Pilipinas dahil sa ‘endorsement’ ni Zac.

SCENE: Na-pre-empt ang introduction kay Aljur Abrenica sa press launch ng Coffee Prince noong Miyerkules dahil bigla siyang lumabas sa stage.

Si Aljur ang lead actor ng Coffee Prince ng GMA 7.

SEEN: Iba ang kuwento ng Ina, Kapatid, Anak ng ABS-CBN sa pelikulang Ina, Kapatid, Anak ng Regal Films.

Nagbayad ang ABS-CBN sa Regal Films upang magamit nila ang title ng 1979 movie nina Lolita Rodriguez, Rio Locsin, at Charito Solis.

SCENE: Kukunan sa Subic ang mga eksena ng Extra Challenge, ang nagbabalik-telebisyon na reality show ng GMA 7.

Sina Marian Rivera at Richard Gutierrez ang mga host ng Extra Challenge.

SEEN: Hindi pa ipinapakita ng TV5 ang Kidlat costume ni Derek Ramsay. 

Isang superhero si Kidlat ngunit iba siya kay Kapitan Kidlat, ang superhero na nilikha noong 1953 ni Mars Ravelo, ang sikat na nobelista na creator din nina Captain Barbell, Lastikman, at Darna.

SCENE: Nag-submit kahapon ng certificate of candidacy si incumbent Cavite Governor Jonvic Remulla at ang kanyang running mate na si Jolo Revilla.

SEEN : Nag-file kahapon ng certificate of candidacy sa Comelec Provincial Office sa Bataan si Board Member Teri Onor.

Second term na ni Teri na muling tatakbo bilang board member sa ilalim ng political party ng Unified Group of Bataan.

ALJUR ABRENICA

ANAK

BOARD MEMBER TERI ONOR

CAPTAIN BARBELL

CAVITE GOVERNOR JONVIC REMULLA

CHARITO SOLIS

COFFEE PRINCE

COMELEC PROVINCIAL OFFICE

EXTRA CHALLENGE

REGAL FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with